Eye-Ball: Si Niño Reyes bilang agent ni Terrence

0
65


Terrence at Niño

Si Niño Reyes ang player-agent ni ­Terrence Romeo.

Mahirap ba ­maging handler ng isang basket­ball superstar?

“Actually, nasa FEU pa lang si Terrence­, ­inaalagaan ko na siya. Ibang klaseng talent mayroon si Terrence kaya hindi na siya nahirapan sumikat. I am just here to guide him, ako nag-aasikaso ng ilang commitments niya, at andito  lang naman  ako para magbiga­y ng advice sa kanya,” sabi ni Niño. “Hindi mahirap ­i-handle ang isang katulad ni ­Terrence because his feet remain on the ground. Kung ano siya noon, ganun pa rin siya ngayon despite his ­popularity.”

Si Niño ay isang successful businessman. Marami siyang restaurants na siya mismo ang may-ari.

Hawak din niya ang FEU-NRMF basketball na sumasali sa ilang commercial basketball tournaments.

Bukod kay Terrence, may iba pa siyang hawak na PBA players at ilang college players.

“Nag-e-enjoy lang ako na ­nakakatulong sa mga basketball ­players,” sabi ni Niño na isa ring golf buff.

*** 

4-0 na ang Lyceum of the Philippines sa NCAA senior division.

Ibang klase ang lakas na ipinapakita ng Pirates sa season na ito.

Kabilang na sa biktima nila ang San Beda Red Lions.

Ang tanong ­ngayon ng marami – sino ang unang tatalo sa ­Lyceum?

*** 

Si CJ Perez ang ­rumaratsada para sa ­Lyceum.

Mapa-scoring, mapa-­rebounds, mapa-­assists, si CJ ang nangu­nguna.

Ateneo’s loss is defi­nitely Lyceum’s gain.

*** 

Sa juniors division naman ng NCAA, nag-uunahan ang Mapua Red Robins, La Salle Greenies at San Beda Red Cubs.

Tinalo na ng CSB La Salle ang San Beda.

Silang tatlo ang ina­asahang maglalaban para sa NCAA juniors title.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments