Eye-Ball: Javee Mocon, pride ng San Beda at Cignal

0
70


Maraming pasikat na college players ngayon.

Isa diyan si Javee Mocon ng San Beda College.

Kahit sa PBA D-League, namamayagpag na siya.

Nitong recent championship sa D-League, isa siya sa naging heroes para sa Cignal.

Dalawa sila ni Ro­bert Bolick na nagdala sa Cignal sa championship.

May balak na ba siyang magpa-draft?

“Wala pa. Bata pa naman ako. At saka may playing year pa ako sa San Beda. Tapusin ko muna yun.”

Ano sa tingin niya ang tsansa ng San Beda sa darating na NCAA?

“Okay naman. I believe contenders pa rin kami. Maganda sho­wing namin sa FilOil.

Kagagaling lang namin sa US para sa special yearly training namin abroad. Maganda samahan namin, okay ang bonding namin,” patuloy ni Javee.

Wala pa silang talo sa FilOil.

“Oo nga maganda showing namin. Sana magtuloy-tuloy. Quarterfinals na bukas at sana tuloy-tuloy na maganda ang laro namin.”

***

Sa biglang sikat ng 3×3 basketball, balak ng NCAA na gawin na isa sa kanilang sports competition ang 3 on 3 basketball next semester.

Kailangan pa nilang ayusin ang rules and regulations bago isali ang panibagong sport na ito sa kanilang calendar.

***

Hindi nakapasok sa next round ng FIBA Asia 3×3 sina Kiefer Ravena, Jeron Teng, Kobe Paras at JR Quinahan.

Pero kahit paano, maganda na rin ang naipakita nila sa record nilang 2-2.

Hindi rin nakapasok si Kobe sa Final ng slam dunk competition.

Pabalik na sila ng Pilipinas at susunod naman silang sasali sa practice ng Gilas.

*** 

Sa July 7 na magre-resume ng practice ang Ginebra para sa next conference,

Binigyan muna ni Tim Cone ng bakasyon ang mga players niya.

Next conference, malamang na magamit na si Greg Slaughter.

Kaya naman kahit bakasyon, hindi ­humihinto si Greg sa kanyang personal training.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments