EYE-BALL: Gamboa Coffee, pasiklab agad sa D-League

0
79


Nagpasiklab na agad ang FilOil Flying V team sa D-League. Tinalo nila ang defending champion Cignal team ni Boyet Fernandez.

Naging mahigpitan ang laro mula umpisa at sa bandang dulo, nanaig din ang Flying V.

Naging isang mons­ter si Jeron Teng sa fourth quarter, siya ang nahirang na best player of the game.

Well-deserved.

Isang mensahe lang ito na dapat katakutan ang Flying V team sa PBA D-League.

***

Ang Gamboa Coffee team

Nanalo rin ang Gamboa Coffee Lovers laban sa baguhan ding Zak’s Burger.

Tulad ng laro ng Cignal at Flying V, naging very exciting din ang laban ng Gamboa at Zak’s.

Hanggang sa hu­ling segundo ay ‘di mo malaman kung sino ang mananalo.

Naging maayos ang debut ni Leo Avenido bilang playing coach.

“Kinabahan ako du’n. Akala ko matata­lo pa,” sabi ni Louie Gamboa, team owner ng Gamboa Coffee Lovers. “In the end, it was the experience of the boys that mattered most. I give it to the boys and to the coach (Leo),” dagdag pa ni Louie.

Kasama sa Gamboa Coffee team sina Ken Acibar, Mark Sarangay, Marcy Arellano, Val Acuña, at dating Ginebra player na si Jens Knuttel.

***

Nangyari din ang inaasahan ng marami.

Golden State vs. Cleveland na din sa NBA Finals.

Steph Curry vs. Le­Bron James.

Heto ang pinakahihintay na laban ng maraming basketball fans, hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Buhay na buhay na naman ang advertising revenues ng ABS-CBN sa dami ng advertisers.

***

Punung-puno ang Alonte Gym kagabi sa laban ng Ginebra at Blackwater.

Suki na talaga ng Biñan, Laguna ang Ginebra.

Kahit sino pa ang kalaban, malakas man o mahina, sumusugod talaga ang mga basketball fans para panoorin ang Gin Kings.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments