Eye-Ball: Explosive opening games –

0
59


Sa Sabado na ang pagbubukas ng 2017 NCAA season at excited na ang maraming college at high school students.

Isang taon din nilang hinintay na muling magbukas ang NCAA at ngayon nga, magbubukas ito sa isang explosive opening ceremonies sa Mall of Asia.

Pinaghandaan ito ng host school na San Sebastian College kaya marami ang naghihintay sa kanilang opening salvo.

Maghaharap na agad ang San Beda College at ang San Sebastian Stags.

Maganda ang ipinakita ng SSC Stags sa nakaraang Filoil pre-season, kaya hindi puwedeng sabihin na babalewalain sila ng Red Lions.

Maghaharap din ang Jio Jalalon-less na Arellano Chiefs at ang Allwell Oraeme-less Mapua Cardinals sa opening. Maging ‘yan ay isang magandang laban.

***

Hanggang ngayon, marami ang nagtatanong sa tunay na status ni Allwell Oraeme.

Wala na nga ba siya talaga sa Mapua?

Nasa ibang bansa ba siya?

O ang talagang istor­ya eh napirata na siya ng isang UAAP school?

Sabi-sabi, nasa Mapua pa raw si Allwell at next year eh maglalaro na siya.

Sabi naman nu’ng iba, sa NU o La Salle na siya malamang maglaro next year.

Sabi naman ng iba, umuwi na ito sa Nigeria at nagpapahinga lang.

Ano man ang tunay na istorya, tuluyan nang humina ang MIT Cardinals dahil sa kanyang absence sa team. Si­yempre, iba kapag may Oraeme ka sa gitna.

Pero, with or without Oraeme, sabi ni Coach Atoy Co eh nakahanda silang lumaban at ang mga bata niya ay na­ngakong ibibigay ang best nila sa bawat laban.

***

Kakaibang improvement ang dala-dala naman ng Lyceum of the Philippines.

Sa nakaraang Filoil basketball tournament, nasa Final Four sila.

Ibang klaseng sistema ang ipinasok ni Topex Robinson sa team at nakuha naman agad ng mga bata niya.

May surprise package ang Lyceum sa pamamagitan ng Marcelino twins na nitong Filoil eh napaka-impressive ng performance.

***

Si Vergel Meneses naman ay umaasang tuluy-tuloy na ang magandang performance ng JRU Heavy Bombers niya.

“Sana nga tuluy-tuloy na ‘yung ipinakita nila sa Fil Oil. Sa Fil Oil, solido ang performance nila at maayos lahat, Sana naman sa NCAA ganu’n pa din sila,” sabi ni Vergel.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments