Eugene Domingo to celebrate 46th birthday with Italian boyfriend | Tempo

0
62


By RUEL J. MENDOZA

LUMIPAD last July 16 ang award-winning comedienne and TV host na si Eugene Domingo for Italy para makasama ang kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni on her birthday.

Turning 46 na si Uge on July 23 and what better way daw to celebrate her birthday ay makasama ang lalakeng nagpapaligaya sa kanya ngayon.

“Kaya nag-advance tapings na ako for my two shows sa GMA-7 na ‘Dear Uge’ and ‘Celebrity Bluff.’ Ang balik ko kasi ay sa August 7 pa.

“Thankful ako sa GMA-7 management kasi pinapayagan nila ako sa mga kahilingan ko sa kanila. Siguro ay naiintindihan din nila ako,” ngiti pa ni Uge.

Naka-base sa Parma, Italy si Danilo at nakilala na raw ni Uge ang buong pamilya at ilang kamag-anak nito.

“Para rin silang mga Pinoy. Kung magkuwentuhan malalakas ang mga boses at parang may mga kaaway!

“Pero enjoy ako with them kasi nakikilala na nila ako at hindi bilang celebrity sa Pilipinas,” diin pa niya.

Pareho raw ang mga hilig nila ni Danilo kaya nagkakasundo sila.

“We love to talk. Marami kaming napagkukuwentuhan. Hindi kami nauubusan.

“We also love to sing and kiss. Pareho kaming crazy ang adventurous.

“Pareho kami mahilig mamasyal sa iba’t ibang lugar sa Italy. Gusto namin parati sa countryside kunsaan tahimik at walang stress.

“Kaya feeling ko ay soulmate ko talaga siya.”

Inamin ni Uge na hindi na niya inaasahan na matatagpuan pa niya ang lalake para sa kanya.

“I gave up na kasi. Pero may mga kaibigan ako na pinagdasal na magka-lovelife ako. Eh, biglang duma-ting.

“Danilo opened me to new adventures in my life na kahit kelan ay never kong naisip na gagawin ko talaga.

“Kaya very special itong dara-ting na kaarawan natin kasi wala na akong mahihiling pa, eh. Punung-puno ako ng happiness ngayon,” pagtapos pa niya.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/07/18/eugene-domingo-to-celebrate-46th-birthday-with-italian-boyfriend/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments