ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD, LUNOD SA KALIGAYAHAN…

0
39


Mas mahalaga ang kaligayahan ng puso, kesa sa ilalabas na talak ng mga bibig ng ibang tao! Kaya tuloy ang ligaya!

Sabi nga, hindi naman maibibigay sa kanila ng ibang tao ang kaligayahan na nararamdaman nila sa isa’t isa, kapag magkasama sila.

So, bakit kaila­ngang magpaapekto sa sasabihin ng iba?

Sa panahon nga­yon, uso pa ba ang katakutan mo ang reaksiyon ng ibang tao sa gagawin mo? Ang isantabi ang sariling kaligayahan mo, para lang maibigay ang gusto ng mga tao sa paligid mo, o sumunod lang sa agos ng normal na nakasanayan nila?

Eh, sa panahon ng social media, parang mas madaling makalimot ang mga tao. Ang pinagpipiyestahang iskandalo ngayon, isang simpleng kwento na lang bukas.

Ang kinatakutan, iniyakan mo today, nakalimutan na ng iba tomorrow, lalo na at kapag may bago na namang ‘iskandalo’ na umusbong.

Kaya sige lang, John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, ituloy lang ang kaligayahan niyo. Tutal naman, natuto na kayo, lalo na si Lloydie, na may mga dapat iwasan, o hindi ipakita sa mga mata ng publiko, lalo na ng mga kabataan ngayon.

Ang mga simpleng lambingan, umaarteng pa-picture, bagama’t may mga kumokontra, pero parang mas lamang na rin ang nakakaunawa.

Kung puso ang umiiral, mahirap ngang tibagin ‘yan. At ang mga taong umiibig din ang kusang nakakaunawa sa mga tulad nina Ellen at John Lloyd, na nagpapakalunod sa kaligayahan ngayon.

At ganyang-ganyan nga ang ginagawa nina Ellen at Lloydie ngayon. Katunayan, kagagaling lang nila last Friday sa Cebu. Sa teritoryo ni Ellen, na kung saan ay feeling safe talaga siya, at kabisado niya ang mundo.

At Sabado ng tanghali lang sila bumalik ng Maynila. At lahat ‘yan ay nalaman lang, dahil sa pag-post ni Ellen na nasa bath tub siya, lubog sa tubig, na pinost niya sa Instagram wall niya.

Binigyan kasi niya ng credit ang photographer ng photo niyang `yon, na kahit hindi naman John Lloyd Cruz ang pangalan, itinuturo ng marami na siya talaga `yon.

Si Lloydie ay si @ekomsi nga ba?

Anyway, sa IG stories ni Ellen last Friday night, sa again, tomaan session nila sa isang sikat na hotel/resort sa Cebu, kasama ng mga friends, hindi mo mapapansin na kasama niya si Lloydie. Masyadong mabilis ang eksena, at hindi mo maaninag kung si Lloydie nga ang lalakeng kaharap niya.

Pero, sa pagbalik nila sa Maynila, sa loob mismo ng eroplano, nag-post na ng photo si @ekomis sa Instagram niya, at yes, magkasama sila. Ang arte-arte ng photo nilang dalawa, na kasama pa ang isang lalake, sa loob mismo ng eroplano.

John Lloyd Cruz at Ellen Adarna
John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

At nung mga oras na `yon, na halos 10 minutos pa lang ang nakalipas, umabot na sa 500 ang ‘likes’ na meaning, marami na rin ang aprubado sa relasyon nina Ellen at John Lloyd.

At sa 20 na mababasa mo, makalipas ang 10 minutos, isa lang ang hindi sumang-ayon, at `yun ay ang fan nina Sarah Geronimo at John Lloyd. Pero the rest, aprub, at pinaulanan nila ng ‘puso’ ang wall na `yon ni Lloydie.

Sa ngayon, iisa nga ang sinasabi ng lahat, na parehong nalulunod sa kaligayahan, pagmamahal sina Lloydie at Ellen. At hayaan na lang sila sa kung saan sila maligaya…

Ang sarap ng feeling, na kahit 12 oras na libre sa buhay niyo, gusto niyong ibigay sa mahal niyo. Ganiyan nga sina Ellen at John Lloyd ngayon.

Kaya, hayaan na lang sila…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments