Elisse at Mccoy, pressured nga bang magkatuluyan?

0
84



MANILA – Inamin ng tambalan nina Elisse Joson at Mccoy de Leon na may pressure sa kanilang dalawa ang pagnanais ng ilan sa kanilang mga tagahanga na sila ay ganap na magkatuluyan.

“For me, mayroong konti. Kasi po ‘yung mga supporters parang gusto nilang… may konting pressure kasi sa side po namin na sobrang busy namin sa work, kailangan naming isipin ‘yung personal din kahit focused sa work. 

“Pero gusto ko lang sabihin na it comes naturally for us. So, sumasabay lang kami,” ani Elisse sa ginawang listening session para sa kanilang unang single na “If We Fall In Love” nitong Huwebes.

Dagdag ni Mccoy: “Alam naman ng tao at alam naman natin na totoo siya, sa ‘PBB’ nakita niyo na totoo siya, so sa amin, go with the flow lang, masaya lang.”

Samantala, sa nasabi ring “listening session” para sa single nilang “If We Fall In Love” na orihinal na kanta ni Yeng Constantino, umamin ang dalawa na pinaghalong kaba at saya na kanilang nararamdaman.

“Excited po kami kasi first single namin, so kabado na excited,” ani Elisse.

Para naman kay Mccoy, inamin niya ang pangarap na mapasama ang kanilang single sa theme songs ng kanilang ginagawang seryeng “Kung Kailangan Mo Ako.” 

“Sana mapasama sa mismong teleserye. Pero ngayon po, ongoing na po kami ng taping. Hindi pa po namin alam ‘yung date kung kailan ipapalabas,” ani Mccoy.

‘ANG PROBINSYANO’
 
Nilinaw din ng dalawa ang estado ng kanilang mga ginagampanang karakter sa hit seryeng “Ang Probinsyano.”

“Actually hindi pa naman kami mamamatay, wala pa ring umaalis papuntang ibang bansa. Noong nagsimula ang Book 2, sinali naman kami sa early episodes ng Book 2. 

“Di ko nga lang alam kung saan papunta kapag nagsimula na kami [sa bagong serye],” ani Elisse.

Si Mccoy naman, sinabing masaya sila sa pagkakataon na mapasama sila ni Elisse sa “Ang Probinsyano.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments