EDITORIAL: Walang unli-rice ban –

0
316


Malakas ka ba sa kanin?

Kung oo, isa ka siguro sa libu-libong umalma sa naging trending news ­kamakalawa tungkol sa unlimited rice.

Gaano ba talaga karaming kanin ang dapat na kainin para maging malusog ang pangangatawan?

Maraming paalala ang mga nutrition experts hinggil sa health risks ng ­sobrang pagkain ng kanin. Maraming sakit ang puwedeng idulot nito sa katawan.

Ang problema natin, kalahati ng plato natin ay kanin. Dapat siguro ang ­kalahati ay binubuo ng gulay at kaunting karne.

Inirerekomenda ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) na ang isang tama at healthy meal ay binubuo ng 33% rice, 33% vegetables, 17% meat, and 17% fruit.

Ayon sa National Nutrition Council, isang tasa ng kanin kada kain lang ang inirerekomenda sa mga babae habang isa’t ­kalahati naman sa mga lalaki.

Kung sobra rito, malaki ang tsansang tumaba ang isang tao at magkaroon ng mga sakit gaya ng high blood pressure, heart disease at diabetes.

Rekomendado ng mga health expert ang balanseng pagkain para makuha ng katawan ang tamang nutrisyon. Pero hindi ­puwedeng walang kanin dahil ito ang nagbibigay ng energy sa katawan.

Pero dapat ay kontrolado rin ang pagkain ng kanin kaya naman may mga rekomendasyon din tungkol sa ibang rice substitutes tulad ng cereal, saging, kamote at tinapay.

Sa pagkalat ng maraming food chains, marami sa atin ang nahuhumaling at lalong napapasarap sa pagkain.

Kaya mas kailangan ng mga Pinoy ng dagdag na pagkain ng prutas at gulay. 

Mayaman sa bitamina at fiber ang gulay na nakakapagpababa ng cholesterol na masama sa katawan. 

Kaya naman nagpaalala si Senadora Cynthia Villar na mas makabubuting damihan ng mga Pinoy ang pagkain ng gulay kaysa kanin.

Nilinaw niya ang wala siyang balak na magpasa ng batas para ipagbawal ang unlimited rice sa mga restos dahil alam niya na tayong Pinoy ay mahilig talaga sa kanin.

Ang mas mabuti siguro ay kumuha na lang tayo ng tamang dami ng kanin na kaya nating ubusin upang maiwasan na rin ang pagsasayang dahil ayon sa National Food Authority (NFA) maraming kanin ang nasasayang ng bawat Pilipino kada araw.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments