EDITORIAL: Pagpupugay sa mga kawal Filipino

0
117


Puspusan na ang ginagawang opensiba ng mga tropa ng pamahalaan para ganap na mabawi ang Marawi City sa kamay ng mga terorista.

Katunayan ay humingi na rin ng tulong sa Estados Unidos ang ating gobyerno para malinis ang Marawi sa mga nagkakanlong pa rito na mga terorista.

Gustong mangyari ng administrasyong Duterte na mapalaya ang Marawi mula sa mga terorista at nagtakda pa ito ng deadline ngayong pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan.

Saludo tayo sa ating mga kawal dahil sa pagtataya ng kanilang buhay para lamang maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa Marawi City.

Ipinakita ng mga kawal Filipino ang kanilang propesyunalismo bilang mga sundalo na handang magbuwis ng buhay para sa kapaya­paan ng sambayanang Filipino.

Nakita ng taumbayan ang kanilang katapatan sa pagtatanggol sa ating bayan laban sa mga nais maghasik ng ligalig at kaguluhan.

Namalas sa kanilang mga ginagawa ngayon sa Marawi City na ang isang kawal Filipino ay tunay na matapat at mapagmahal sa sarili nilang bayan.

Martial Law sa Mindanao subalit ipinakita ng sandatahang lakas ng Pilipinas na mga propesyunal na sundalo sila ng ba­yan. Wala tayong nakitang pang-aabuso.

Nakakalungkot lamang na marami rin sa kanilang hanay ang pumanaw sa kamay ng mga terorista. Marapat lamang na saluduhan din ang kanilang mga naulila.

Higit pa riyan, nararapat lamang na pagkalooban kaagad sila ng tulong ng ating pamahalaan para sa mga naulilang anak, asawa, magulang at kapatid.

Sa lahat ng kawal ng sandatahang lakas saludo kami sa inyo. Mabuhay kayo!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments