DROGA, MARAWI AT PAMBANSANG TREN

0
66


KUNG iisipin, parang matagal nang nakaupo ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo ‘Diong’ Duterte lalo na’t pangalawang State of the Nation Address na niya ito.

Ang totoo, isang taon at kulang-kulang sa isang buwan pa lang niya bilang trabahante ng gobyerno.

Pero ang feeling talaga ng iba ay matagal na siya sa panunungkulan.

Ang dahilan? Napakarami na kasi ang mga naganap simula nang maupo siya at damang-dama na ito ng nakararaming taumbayan.

TUMAHIMIK

Alam ba ninyong sa mga lugar na dating kitang-kita at walang pagrespeto ng isa’t isa sa mga kapitbahay ay nagkaroon ng pagbabago simula noong umupo si Pangulog Digong sa Malakanyang?

‘Yun bang === paghinto ng magdamagang malalakas na videokehan at inuman sa mga lansangan.

Kung sa akala ninyo ay maliit na bagay ito, aba malaki para sa mga hmaysakit, nag-eeskwela, nagtatrabaho na gustong magpahinga at iba.

Isa pa, dito nagsisimula ang ilang patayan gaya ng nasaksihan ng ating pahayagan minsan na ikinawawi ng tatlo katao sa saksak at baril.

Nag-ugat iyon sa gabi-gabi at maingay ng kantahan na may inuman hanggang sa may mapundi at nagbato sa bubong ng bahay ng mga maiingay.

Matapos matukoy ang pinagmulan ng bato, lumusob ang mga lasing at maiingay sa isang bahay at sinalubong ang mga ito ng putok ng baril ngunit sa huli, namatay rin sa ‘di mabilang na saksak ang nabuwisit sa maingay na inuman.

DROGA SA MGA MINOR

Maraming magulang din ang natutuwa bagama’t nakukulangan pa sa giyera sa droga.

Marami kasing barangay na puno ng mga menor de edad na adik at pusher pero hindi napasok ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel.

Pero ang importante umano sa kanila, natigil na kahit papaano ang mga hindi natutulog na bata at nagsa-shabu kahit saan, sabay pagnanakaw sa mga kapitbahay mula manok na pulutan hanggang sa pag-aakyat-bahay at pananalisi para lang may pambili ng droga.

Nawala rin ang mga menor-de-edad na humahatak sa mga kapwa nila menor-de-edad para mag-shabu o mag-marijuana.

AGAW-CELLPHONE, ATBP.

Kabilang sa mga kinatatakutan ng mga mamamayan noon ang mga walang-humpay noon na agaw-cellphone at holdap sa mga kalsada at jeep, taxi at bus.

Anak ng tokwa, kahit nakatago ang cellphone mo, inaagawa ng mga agaw-cellphone at kung papalag ka, papatayin ka.

Notoryus din ang mga holdaper sa mga jeepney, taxi at bus.

Ang mga taxi driver ang higit na kawawa dahil pinapatay ang mga ito makaraang kunin ang kanilang mga taxi at limasin ang kanilang mga kakarampot na kita.

May mga pagpatay rin sa mga holdap sa bus, jeepney at traysikel.

RAPE-SLAY HUMUPA

Sa kabila ng mga napupuna nating sunod-sunod na pag-rape at pagpatay, marami na ang ipinagbago ng ganitong krimen.

Isa sa mga ipinagbago ang pagkakaroon ng lakas ng loob na lumaban ang mga biktima, kahit man lang ang mga naulila nila sa buhay.

Noon, takot na takot ang mga pamilyang nauulila ng mga biktima ng rape na may pagpatay dahil makapangyarihan ang mga kriminal.

Ngayon ay sinesentensyahan na sila bago pa man sila madala sa piskalya at hukuman.

KONTRAKTUWAL

Itong 555 o kontraktuwalisasyon ang ating binabantayan, mga Bro, dahil direktang kontra ito sa mga malalaking kumpanya.

May ilang tagumpay na pero maliit pa rin sa inaasahan ng milyon-milyong biktima ng kontraktuwalisasyon.

Nasa 50,000 pa lang yata ang nare-regular sa mga tusong kumpanya.

Pero ang masakit, gumawa ang mga kumpanya ng paraan para masibak din nang wala sa oras ang mga obrero.

Bawat nawawala pala sa isang kumpanya ay sinisingil sa obrero at kung kakarampot o wala nang matitira sa sahod nila, nagre-resign na lang sila at hindi na sila kailangang kalusin ng kumpanya.

Bago ulit at hindi regular ang mga obrero.

Sey po ninyo, DOLE Secretary Silvestre Bello?

MARAWI AT PAMBANSANG TREN

Sa SONA ni Pang. Digong, ang inaasahan ng marami ay ukol sa pagbangon ng Marawi City at ang pangakong trem mula sa Luzon hanggang Mindanao na daraan marahil sa Kamaynilaan.

Mahalaga rin ito sa atin, mga Bro, dahil kung maaayos ang Marawi at maaayos ang iba pang nilalantakan na lugar ng mga terorista at mailatag ang nasabing tren, tiyak na uunlad ang Pinas.

Malalaman natin kung ano ang magaganap makaraan ang SONA at darating pang ibang SONA.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments