DRAMA ACTRESS, ‘DI KINAYA ANG MABAHONG KILIKILI NI MALE CELEB!

0
98


May isang pakiusap ang drama actress sa para­ting nakakasama niyang male celebrity sa mga shows sa probinsya.

Huwag daw siyang akbayan ni male celebrity dahil hindi nito nagugustuhan ang amoy na nanggagaling sa kilikili nito.

Nagsimula nga ang reklamong ito ng drama actress sa male celebrity na may B.O. nang minsan silang mag-show sa probinsya. Sobrang init kasi sa resort kunsaan sila nag-show.

Naka-sando lang si male celebrity samantalang naka-white dress naman si drama actress.

Umakbay nga si male celebrity sa drama actress habang nag-duet sila. Pagkatapos ng kanilang duet ay may naaamoy na hindi maganda si drama actress sa kanyang damit.

Kaagad niyang hinubad ang kanyang dress at inamoy niya. Mabaho ang amoy sa may balikat kunsaan dumampi ang kilikili ng male celebrity.

Ayaw namang mambintang ni drama actress na may B.O. si male celebrity. Inisip na lang niya na baka hindi bagay ang deodorant na ginagamit nito at hindi maganda ang reaction sa pawis niya.

Pero sa mga sumunod na mga shows nila ay yun pa rin daw ang mabahong amoy na naaamoy ng drama actress sa kanyang damit. Kunsaan luma-landing ang kilikili ni male celebrity, dun daw may hindi magandang amoy.

Para makumpirma nang husto ni drama actress, hinintay niyang idampi ni male celebrity ang kilikili nito sa isang bagay at inamoy niya.

Nangyari nga ang matagal nang hinihintay na gawin ni male celebrity. Dinikit nito ang kanyang kilikili sa sofa ng bahay kunsaan sila nagte-taping.

Pagkaalis nga raw ng male celebrity ay inamoy agad ni drama actress ang pinanggalingan ng kilikili ng male celebrity sa sofa at mabaho ang amoy.

Same na amoy na nasa damit niya na dinidikitan ng kilikili ng male celebrity. Kaya confirmed na may B.O. talaga ang male celebrity!

Kaya sa mga susunod na mga shows nila ay request ni drama actress na huwag na siyang akbayan ni male celebrity. Mag-holding hands na lang daw sila.

Excuse niya ay nabibigatan ang balikat niya sa malalaking braso ng male celebrity. Okey lang naman kay male celebrity dahil parang mas sweet nga naman na holding hands sila.

Hindi alam ni male celebrity na umiiwas na lang si drama actress sa mabahong kilikili nito. 

Wish nga ni drama actress na sana ay magkaroon ng endorsement na deodorant si male celebrity para mapalitan na ang hindi kanais-nais na amoy nito. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments