Dingdong, rumesbak sa nambastos kay Marian | Tempo

59


Nag-alyas Robinhood si Dingdong Dantes kay Marian Rivera sa pang-iinsulto at pambabastos ng isang entertainment writer sa kanyang wife. Suwabeng (favorite word ni Alyas Robinhood) ipinagtanggol ni Dingdong si Marian sa akusasyong diumano’y inirereklamo ito ng co-workers sa “Super Ma’am.”

Hindi mapagpatol si Dingdong. Suwabe lang siya, pero kapag ang asawa’t anak niya (Zia) ang sangkot, lumalabas ang pagka-alyas Robinhood niya. Ani Dingdong, hinding-hindi niya papayagang may umabuso at bumastos sa kanyang mag-ina.

Marami siguro ang inggit much kay Marian dahil may Alyas Robinhood siya sa totoong buhay.

Napaiyak si Marian sa pagtatanggol sa kanya ng mister. Samantala, abangan ang bagong costume niya sa mga susunod na episodes ng “Super Ma’am.” Kita ang kanyang abs. May bago rin siyang powers, kaya excited siya sa fight scenes at wala siyang double.

Kinakarir

Almost two years ago na ang “Half-Sister,” pero close pa rin si Thea Tolentino sa mga dati niyang nakatrabaho, tulad ni Jean Garcia. Magkasama sila sa pagwo-work out.

Nahihilig na rin si Thea sa pag-aaral ng self-defense na martial arts. Kinakarir niya ‘yun para sa fight scenes nila ni Sanya Lopez sa “Haplos.”

Kung minsan, hindi maiwasang nagkakasakitan talaga sila. Nagkakandapasa-pasa ang mga braso ni Thea sa sobrang intense na physical na labanan nila ni Sanya.

Samantala, sa episodes ng “Haplos,” sobrang galit at pinahihirapan ni Lucille (Thea) si Angela (Sanya Lopez). Hindi na tumatalab ang gayuma niya kay Gerald (Rocco Nacino).

Kagagaling lang ni Rocco sa Palawan kung saan siya nagbakasyon ng ilang araw. Sa post niya sa social media ng kanyang photos, todo-pakita siya ng kanyang abs habang nasa beach. Sabi nga ng millennials, petmalu at lodi ang “Haplos” lead actor.

Abangan ang pagrampa ni Rocco sa 30th anniversary ng isang clothing line na gaganapin sa SM MOA on November 18.

Rarampa siya sa underwear fashion show.

Effort

Effort si Chynna Ortaleza sa paggawa at pag-drawing ng mga souvenir na ipamimigay nila ni Kean Cipriano sa church wedding nila this November.

Si Chynna mismo ang nagde-design sa mga batong give aways nila na aniya, gusto niyang maramdaman ng mga bibigyan nila na special talaga ang personalized souvenirs nilang mag-asawa.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/10/31/dingdong-rumesbak-sa-nambastos-kay-marian/">





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments