DIETHER, KAPUSO NA! –

0
313


Natuwa ang isang nagmamalasakit kay Diether Ocampo nang makarating sa kanya ang balita na lumipat na ang aktor sa GMA 7.

“Mabait naman siya. Sana matulungan siya ng GMA 7,” ang sabi ng concerned friend ni Diether na nag-umpisa ang showbiz career sa ABS-CBN noong 1994.

Twenty-two years na talent ng Kapamilya Network si Diether bago ito tumanggap ng television assignments sa TV5 noong 2016 at eventually, tumanggap ng project sa Kapuso Network.

Isang ‘breastfeeding father’ ang role ni Diether sa Father’s Day episode na mapapanood sa dara­ting na Sabado sa GMA 7.

Namatay sa panganganak ang misis (na may breast cancer) ni Anton Ramos, ang karakter na ginampanan ni Diether.

Para maipagpatuloy ang hiling ng pumanaw na asawa na i-breastfeed ang anak nila, lumapit si Ramos sa mga misis at parenting emporium na hiningan niya ng breastmilk.

Hindi humingi ng bayad ang mga nagmagandang-loob na misis at para makabawi, pinalitan ni Anton ng mga longganisa at bagnet mula sa Ilocos ang mga breastmilk na ibinigay sa kanya.

Ang guesting ni Diether sa Magpakailanman ang unang paglabas niya sa programa ng Kapuso Network pero napanood siya sa Startalk noong 2001 para i-promote ang La Vida Rosa, ang pelikula ng Star Cinema na tinampukan nila ni Rosanna Roces.

Si Megan Young ang leading lady ni Diether sa My Breastfeeding Dad: The Anton Ramos Story.

Apparently, hindi na nag-renew ng kontrata si Diether sa Star Magic, ang talent management agency ng ABS-CBN dahil si Arnold Vegafria ng ALV Talents ang bagong manager niya. Contract star din si Megan ng ALV Talents.

Nag-taping si Diether para sa Father’s Day episode ng Magpakailanman noong May 29 at May 31 sa isang lugar sa Quezon City.

Nagustuhan ng staff ng Magpakailanman si Diether dahil mabait ito sa set at marunong makisama. Kinilig sila dahil hanggang nga­yon, guwapo pa rin ang aktor.

Nabalitaan namin na kasama dapat si Diether sa cast ng Hearts on Fire na may working title na Haplos pero hindi natuloy ang participation niya sa upcoming afternoon drama series ng GMA 7. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments