DARNA KOMIKS, IPINAMANA NI ANGEL KAY LIZA!

0
80


Nakasabay namin sa elevator ng ABS-CBN 2 ang lady boss ng Star Cinema na si Miss Malou Santos.

Papunta ako ng 9501 restaurant sa 14th floor para sa announcement, presscon ng La Luna Sangre para sa bagong Kapamilya na si Richard Gutierrez, at papunta naman sa kanyang opisina si Miss Malou.

“Finally, na-announce na, may bago na ngang Darna!” sey namin sa kanya, na sinuklian niya ng ngiti, sabay sabi na ‘Finally…”

Ang ganda ng face ni Liza, bagay na bagay kapag naka-headdress na siya ng Darna.

“Ang gandang bata talaga…” second the motion pa ni Miss Malou.

Siguro, kailangan lang medyo mag-gym pa, para mas gumanda ang katawan. Well, kilala kasi ang mga ‘Darna’ na seksing-seksi talaga, at sa totoo naman, inaabangan talaga `yon ng mga fans, kapag sumisigaw na ng Darna, at lumalantad na ang alindog nito.

“Kailangan lang i-trim pa, at willing naman ‘yung bata…” sambit ni Miss Malou.

Meaning, alam na alam ni Liza ang pinasok niya, na kailangan ay mapabilib talaga niya, hindi lang sa acting niya, kundi sa katawan niya, ang mga Darna fans.

Super naaliw naman ako sa pinost ng manager ni Liza na si Ogie Diaz tungkol sa pagkakapili nga sa dalaga bilang bagong Darna.

Nag-post nga si Ogie ng photo nila ni Liza na may hawak na Darna komiks ang magandang aktres. Heto ang tsika ni Ogie…

“Ayan na ang Bagong Darna!
“Congrats, anak!

“Yang mga magazines na ‘yan, bigay sa kanya ni Angel Locsin. Ibig sabihin, gusto ni Angel si Liza gumanap na Darna,” sey ni Ogie.

Heto raw ang tsika ni Liza…

“Di pa po kami uli nagkikita. Pero pag nakita ko po siya, I will thank her po for the opportunity and these Darna komiks.”

Heto ulit ang sabi ni Ogie…

“Nakakalokah! After the announcement, biglang umikot ang tiyan ni Liza, hahahah!
“Sa excitement at sa pressure po siguro.”

“Ako naman that time, siguro, dahil na rin sa excitement at sa pressure, kaya nata@#$ ako!” sabi pa ni Ogie.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments