DANIEL, NAG-PROPOSE KAY KATHRYN? –

0
92


Mistulang nag-propose na si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo, kung ang mga linyang “Gusto mo ba akong makasama habambuhay?” ang pagbabasehan.

Aba, kung ang linyang lang ang maririnig mo na nagmumula sa bibig ni Daniel, iisipin mo ngang inaalok na niya ng kasal ang girlfriend niya, ha!

Puwede mo na ngang palawakin ang imagination mo, at isipin mong nakaluhod si Daniel habang nag-aalok ng singsing kay Kathryn.

Anyway, nangyari ang tsikang `yan ni Daniel sa presscon ng La Luna Sangre, na kung saan ay tinanong lang naman ang buong cast, na kung mga bampira nga sila, sino ang gusto nilang kagatin, na gusto nilang makasama habambuhay?

Eh, ‘di ba nga, sa mga vampire movies, ang mga kinakagat ng mga bampira ay nagi­ging bampira rin, at nagsasama sila habangbuhay. Mala-Twilight ang eksena, ‘di ba?

Feeling mo, parang si Edward Cullen (Robert Pattinson) si Daniel, at si Bella Swan (Kristen Stewart) si Kathryn.

Sa simula, parang hiyang-hiya at tawang-tawa si Daniel sa tanong na `yon. Pero, dahil sinagot na nga ng lahat ng cast, sumagot na rin ang binata.

“Tatanungin ko muna kung gusto niyang mabuhay habambuhay. Kasi hindi naman lahat ng tao gustong mabuhay habambuhay.

“Ikaw, gusto mo bang kagatin kita? Gusto mo ba akong makasama habambuhay (sa puntong ito ay nakatingin siya kay Kathryn).

“Pero siyempre, ang pamilya ko para magkasama kami habambuhay. Saka si Tita Min (nanay ni Kathryn) ,tatanungin ko rin kung gusto niya. Ha! Ha! Ha! Ha!” tawang-tawa na sabi ni Daniel.

At sa follow-up na tanong na kung saan niya gustong kagatin si Kathryn, o kung saang part ng katawan niya gusto magpakagat.

“Kung may eksenang kakagatin ako? Wala pa tayo roon.

“Pero, kung may ganu’ng scene, okey lang `yon. Wala naman masama sa pagkagat.
“Sa neck sana…” patuloy sa pagtawa si Daniel.

Well, siyempre, dahil may mga fans na kasama sa presscon na `yon sa loob ng Dolphy Theatre, napuno ng nakabibinging sigawan ang paligid. Na hindi mo na halos marinig kung ano ang sinasabi ng mga artista, dahil sa sobrang ingay nila.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments