Dagdag ayuda sa mga Bayani ng Marawi

0
43


Kamakailan lang ay inanunsiyo ng ating pamahalaan na ang limang buwang bakbakan laban sa mga terorista sa Marawi ay natapos na.

Bago ito, si Presidente Rodrigo Duterte mismo ay nag-anunsiyo ng pagkamatay ng mga pinuno ng mga militante na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon na ipinagbunyi naman ng maraming tao at ng ating pamahalaan.

Pero ang hindi masyadong nabibigyan ng pansin ay ang kakaharapin ng sobra sa isang libong sundalo at pulis na nasugatan sa limang buwang bakbakan na ito.

Sa kasalukuyang batas, ang isang sundalo o pulis na nagtamo ng permanenteng kapansanan ‘in action’ tulad ng pagkalumpo ay makakakuha lamang ng P250,000 na financial aid. Ang mga nagtamo naman ng minor or major injuries ay mabibigyan lamang ng P100,000.

Kung tutuusin, ang P250,000 ay maliit na ayuda kapalit ng permanenteng pagkalumpo o pagkabulag.

Isang milyon piso (P1 million) man lang sana ay maibigay sa kanila para tugunan ang panghabambuhay na pangangalaga sa mga ‘permanently maimed’ na sundalo at ang pangangailangan nila para mabuhay nang maayos sa kabila ng na­tamo nilang kapansanan dahil na din sa pagtatanggol sa ating bansa.

Kaya naman nararapat lang pag-aralan natin ang mga polisiya ukol sa pagbigay natin ng karampatang benepisyo para sa ating mga sundalo na nag-aalay ng kanilang buhay para sa bansang ito.

Bukod sa isang mil­yong piso, kailangan na din nating dagdagan ang budget ng Comprehensive Social Benefit Program (CSBP) kung saan nakasaad ang mga tulong na maaari lamang ibigay sa mga namatay at nasugatan  malubha man o hindi  na mga unipormadong personnel. Dahil ito ay base pa sa estimate na 681 personnel killed o wounded sa buong taon.

Hindi kasama dito ang bakbakan sa Marawi kung saan lagpas pa sa isang libo ang bilang ng namatay at nasugatan.

Hindi lang ang mga namatay ang ‘bayani ng Marawi’. Pati ang mga nabuhay pero sugatan na­ting mga sundalo at kapulisan. Hindi matatawaran ang katapangan pinakita nila sa pagharap sa mga terorista sa Marawi.

Para sa akin, ang existing assistance package para sa mga sugatang sundalo ay taasan pa.

For grave injuries katulad ng multiple amputations, loss of sight o pagkabulag, dapat dagdagan pa natin. Gawing P1 million. At igarantisa ang habambuhay na alaga at hospitalization.

Sa ngayon, ang mga permanently disabled servicemen ay mabibigyan ng apat na klase ng assistance katulad ng pinansyal, bahay na nagkakahalaga ng P450,000, edukasyon para sa dalawang dependents, at medical para sa hospitalization at maintenance medicine.

Sa dami ng bilang ng dumagdag na wounded servicemen, panahon na din para taasan natin ang budget ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Center na sa ngayon ay nasa P1.613 billion lamang.

Nitong July 22, nagsagawa ng briefing ang AFP sa aming mga senador ukol sa kaganapan sa Marawi crisis kung saan nalaman naming na uma­bot na sa 845 ang bilang ng mga sugatang sundalo at kapulisan.

Napag-alaman din sa briefing na iyon na ang lahat ng KIA o killed-in-action lamang ang kasama sa military battlefield reports ng AFP. Wala itong eksaktong bilang ng mga WIA o wounded-in-action.

May isang araw doon sa July 22 report na 42 ang wounded sa loob lamang ng 24 oras.

Ang sa akin lang, alamin natin, bigyan ng parangal at tulong para maka-recover sila sa mga sugat na natamo. At pagpugay na rin. The people deserve the right to salute their heroes.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments