Congressman sinuspinde sa P.5M ayuda sa media

14


Naglabas ng panig si Iloilo City Rep. Jerry Treñas patungkol sa ipinataw na suspensyon ng Sandiganbayan.
May kaugnayan ang 90-araw na pagkakasuspinde ni Treñas sa kinakaharap na kasong graft dahil sa konstruksyon ng gusali ng Iloilo Press Club (IPC).

“It is part of the judicial process which should be respected. I will coordinate with the Office of the Speaker for its implementation,” ayon sa inilabas na pahayag ni Treñas.

Sinasabing uma­abot sa P500,000 ang halagang ibinuhos sa pagpapagawa ng IPC building noong mayor pa ng Iloilo City si ­Treñas.

“I know in the end I will be cleared of all these charges since all legal processes were followed when the assistance was given to the Iloilo Press Club in 2003,” batay pa kay Treñas.

Inatasan ng Sandiganbayan si House Speaker Pantaleon ­Alvarez para ipatupad ang suspensyon laban kay Treñas. 

The post Congressman sinuspinde sa P.5M ayuda sa media appeared first on .



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments