Comm. Narvasa ‘biased’ – TNT

0
33


May nilabas na statement ang TNT ­ma­nagement hinggil daw sa ­“futile and pathetic ­attempt” ni Narvasa na makaiwas sa spotlight.

Sa FIBA Asia Cup sa Lebanon, nakausap na raw ni Narvasa si Christian Standhardinger.

Nagsabi ang Fil-German na wala siya sa draft camp, may proxy siya na magsusumite ng application dahil out of the country siya.

Ibang tao ang nag-­submit para sa kanya.

Ayon sa TNT ay wala raw lohikal na dahilan para isapubliko pa ang impormasyon. Lumalabas na si Magnum Membrere ang umasiste kay Standhardinger.

Tinawag ng TNT na ‘biased’ si Commissioner Chito Narvasa dahil sa paglalabas ng impormasyon.

“TNT mgt (management) resents the statement of Comm. Narvasa. Uncalled for. Just proves he is biased. Magnum Membrere was there as a representative of Smart Gilas.

It was a sincere gesture to assists Standhardinger with a basic admin filing process because he flew back to Germany after the SEA Games,” anang statement ng TNT, all caps.

May ilang teams ang kumuwestiyon nang i-trade ng Kia ang No. 1 pick sa San Miguel Beer, inaprubahan ni Narvasa noong Biyernes.

Sa PBA Board meeting noong Huwebes, nagsabi ang mga kinatawan ng teams na susuportahan nila ang desisyon ni Narvasa sa Kia-SMB trade.

Pero karapatan daw ng bawat team na makita ang detalye ng trade kahit sino pa ang players na sangkot.

May pahaging pa na dahil sa ginawa ay parang gustong sabihin na ­umalis na bilang Commissioner si Narvasa.

“His (Narvasa) decision robs the PBA of the dynamism, excitement and suspense that a player of CS’ (Standhardinger) caliber would bring going up against (June Mar) Fajardo.

If the commissioner does not see this simple perspective, he may not be the right person for the job,” bahagi pa ng statement.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments