Comeback Yankees biyaheng ALCS –

0
15


Si Didi Gregorius (18) ng New York Yankees nang paliparin ang two-run homer sa third inning kontra Cleveland Indians sa Game 5 ng ALCS. Nanalo ang Yankees 5-2 para isara ang series 3-2 at hamunin ang Houston Astros sa AL Championship Series. (AFP)

Pinataob ng dayong New York Yankees ang Cleveland Indians 5-2 sa Game 5 ng AL (American League) Division Championship sa Progressive Field kahapon.

Nag-tweet pa ang Yankees (@Yankees) ng picture ni NBA star LeBron James ng Cavaliers, itinaas niya ang suot na New York cap at nilagyan ng caption na “Winners respect winners.”

Sport lang si LeBron. May tsini-cheer, malamang paborito niya rin.

Kinumpleto ng 27-time World Series champion New York ang comeback mula 0-2 deficit sa Division Series para sipain sa trono ang AL champs.

Dalawang beses nagpalipad ng homer si Didi Gregorius mula sa bato ni Corey Kluber para ihatid ang Yankees sa panalo.

Sa pang-apat na pagkakataon ngayong postseason, nakaiwas sa elimination ang 27-time World Series champion New York at aabante para hamunin ang Houston Astros sa AL Championship Series ng Major League Baseball umpisa Sabado (Manila time) sa Minute Maid Park.

Silat ang Yankees sa first two games ng series, pero nag-rally para kalusin ang Indians 3-2.

Kumonekta ng homer si Gregorius sa first inning, sinundan niya ng two-run homer sa third para sa 3-0 lead ng Yankees. Matapos dumikit sa isa ang Indians, nakahambalos naman si Brett Gardner ng two-run single pa sa ninth inning para sa final margin.

“Didi is the one that set the tone,” ani Gardner, ayon sa AFP. “Didi had two big homers for us. Huge win.”

Liyamado sa serye ang Cleveland na nagtuhog ng 102 won games sa regular season, nagkasa ng 22-game winning streak at paboritong bumalik sa World Series. Noong isang taon, tinalo ng Chicago Cubs ang Indians sa pitong laro sa Series. Sa susunod na taon, 70 taon nang tigang sa Series title ang Cleveland.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments