Coco, Sylvia, Best Actor/ Actress sa Golden Dove!

0
103


Coco Martin

Nasungkit ng ABS-CBN ang ika-8 Best TV ­Station Award nito ­ngayong 2017 at umani rin ang Kapamilya network ng 17 na Parangal para sa kanilang entertainment at news shows, journalists at artista sa 25th ­Golden Dove Awards ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Pinarangalan din ng Best TV Station Award (Provincial) ang ABS-CBN ­Cagayan de Oro na isa sa mga regional stations ng Kapamilya network sa bansa.

Samantala, kinilalang Best TV Public Service Program Host si Karen ­Davila para sa My Puhunan, habang tinanghal namang Best Public Affairs Host para sa Red Alert si Atom Araullo.

Nagningning din ang Kapamilya stars sa Golden Dove Awards kabilang na si Coco Martin na nanalo bilang Best Actor for a Drama Program at Sylvia ­Sanchez na nagwagi bilang Best Actress for a Drama Program.

Best Drama Program naman ang Parangal na nasungkit ng The ­Greatest Love, ang isa sa mga naging top-rating afternoon shows ng ABS-CBN na ­nagtapos noong Abril.

Bukod dito, nanalo naman ang Team YeY!, na isang programa na ­pinapalabas sa YeY channel ng ABS-CBN TVplus, ng Best TV Children’s Program para sa Sound Check segment nito.

Tinanghal din na Best TV Actor for a Comedy Program ang ­komedyanteng si Bayani Agbayani para sa kanyang Pagganap sa Funny Ka, Pare Ko ­sitcom ng CineMo ng ABS-CBN TVplus, habang si Angelica Panganiban naman ang ­hinirang na Best TV Actress for a Comedy Program para sa Banana Sundae.

Kabilang din sa mga nanalo mula sa ABS-CBN ang ASAP (Best TV ­Variety Program), Home Sweetie Home (Best TV Comedy Program), Matanglawin (Best TV Science and Technology Program), Tapatan ni Tunying’s Trono e­pisode (Best TV Public Affairs Program), TV Patrol Central Mindanao (Best TV ­Newscast-Provincial), ABS-CBN Iloilo’s Derecho (Best TV Public Affairs Program-Provincial), and ABS-CBN’s Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko (Best TV Station Promotional Material).



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments