CCTV footage sa RWM attack putol-putol

0
101


Nanumpa ang mga opisyales ng Resorts World Manila na sina Kingson Sian at Stephen James Reilly gayundin si Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman Andrea Domingo sa joint hearing ng Kamara kahapon. (Jonas Sulit)

Binigyan ng 24-oras na deadline ng Kamara ang pamunuan ng Resorts World Manila (RWM) upang isumite ang kumpletong raw footages ng kanilang CCTV simula Mayo 31 hanggang Hun­yo 3, 2017 para makita kung ano ang movement sa loob ng casino hotel bago at pagkatapos ng pag-atake rito ni Jessie Javier Carlos.

Nadismaya kasi ang mga mambabatas sa i­pinakitang CCTV footages ng RWM sa imbestigasyon ng Kamara kahapon kung saan ay pinuna ni ABS Partylist Rep. Eugene De Vera na putol-putol ang ipinapakitang footage sa publiko ng RWM management kaya naman dapat nitong isumite sa komite ang buong kopya.

Upang masiguro na authentic ang isusumiteng CCTV footages, sinabi ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Andrea Domingo na magtatalaga ito ng mga tauhan ng ahensya na magbabantay sa pag-extract o pag-transfer ng mga raw footages.

Samantala, hindi nakaligtas ang security chief ng RWM sa pagtatanong ng mga mambabatas kung saan maging ang hindi nito pagiging graduate at kakayanan na pamunuan ang security force ng casino hotel ay kinuwestyon.

Halos matunaw at hindi makagalaw sa kanyang kinauupuan si RWM Safety Security and Surveillance Head Armeen Gomez nang sumentro sa kanya ang pagtatanong ng mga mambabatas.

Kinilatis ng komite ang pagkatao ni Gomez at kung karapat-dapat ba ito na pamunuan ang security group ng RWM.

Noong una ay ipinagmalaki ni Gomez na mayroon itong 10 taong experience sa security sa casino. Bago nagtrabaho sa RWM ay naging head security umano ng La Salle University Safety and Security kung saan nagkaroon pa s’ya ng experience na na-subdue ang isang hostage-taker.

Halinhinang tinanong si Gomez nina Fariñas, Antipolo Rep. Romeo Acop at House Speaker Pantaleon Alvarez at napilitang umamin na undergraduate siya sa kolehiyo. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments