Cavs, Warriors, Spurs talo – Remate

0
25


BIGONG makasungkit ng ikaapat na panalo ang Cleveland Cavaliers matapos talunin ng New York Knicks sa iskor na 114-95.

Sa pangunguna ni Cleveland star LeBron James na may 16 points, sinubukan ng Cavs na makabawi ng panalo, ngunit hindi ito umubra sa pinagsamang puwersa ng Knicks (2-3) na pinangunahan ni Tim Hardaway, Jr. na may 34 points.

Tumulong din sa Knicks si Kristaps Porzingis na nagbuslo ng 32 puntos.

Sa kampo ng Cavs, ang nagbabalik na si Derrick Rose ay may 15 points at si Kevin Love naman ay nag-ambag ng 22 points.

Mistulang nangungulelat ngayon ang Cavs na meron nang apat na talo sa pitong games.

Samantala, na-upset din ang Golden State Warriors ng Detroit Pistons, 115-107.

Walang nagawa sina superstar Kevin Durant, Stephen Curry at Klay Thompson nang padapain ng Pistons.

Nabalewala ang 29 points ni Thompson, habang sila Durant at Curry naman ay nagtala ng 28 at 27 points.

Sa panig ng Pistons, nanguna sa opensa sina Avery Bradley na may 23 points, Reggie Jackson na may 22, habang may tig-16 naman sina Tobias Harris at Ish Smith.

Ito na ang ikalawang talo ng Golden State sa kanilang teritoryo ngayong season para sa kanilang 4-3 record, habang ang Detroit ay 5-2 na.

Sa kabilang dako, isang powerhouse team pa na San Antonio Spurs ang pinadapa ng Indiana Pacers sa iskor na 97-94.

Tinawag na “rare win” ang panalo ng Indiana sa pagkamada ni Victor Oladipo na may 23 points at five assists para muling pangunahan ang kanyang bagong koponan sa ika-anim na pagkakataon.

Nasayang naman ang diskarte nina LaMarcus Aldridge (26 points) at Pau Gasol (17 points) para matikman ng Spurs ang ikalawang pagkatalo. BOBBY TICZON

loading…





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments