Carlo, nagsalita sa dating away ng mag-asawang Melai, Jason

0
112



MANILA — “Nakapag-usap naman kami ni Jason.” 

Ito ang binitawang salita ni Carlo Aquino matapos siya maugnay sa away ng mag-asawang si Melai Cantiveros at Jason Francisco noong nakaraang taon.

Matatandaang nagkasama noon sa seryeng “We Will Survive” si Carlo at Melai na ‘di umano ay ugat ng hindi pagkakaunawaan dati ng mag-asawa.

“Nag-usap lang kami. Lalaki naman kausap si Jason. Saka nagtatrabaho kami, so naiintindihan niya ‘yon,” ani Carlo sa panayam ng entertainment press sa set visit ng “The Better Half” sa Antipolo.

Ayon kay Carlo, nauunawaan niya kung saan ang pinanggagalingan ni Jason na kusang tumawag sa kanya para linawin ang isyu. 

“Kasi for the longest time, si Melai walang ganoon (love team), so naiintindihan ko ‘yon. Ako din kapag ganoon,” aniya.

“Tumawag sa akin. At least hindi ‘yung kung kani-kanino niya sinasabi. Kinuwento niya kung paano pinitch kay Melai. Dapat din kasi talaga ay parang two weeks lang ako (sa serye). Maiintindihan mo ‘yon kasi iba ‘yung sinabi, iba ‘yung nangyari, ganoon talaga,” ani Carlo.

Nang matanong kung nasaktan ba siya na nadamay pa siya sa away ng mag-asawa, sinabi ni Carlo: “Hindi naman. Ako kasi wala naman (akong ginawa). Kaya nung sinabi sa akin na baka sakaling ma-cut short pero ‘di din nangyari. Nagtaka ako ‘bakit maka-cut short?’ Kasi may ganito, ganyan. Dapat yata makapag-usap kami ni Jason. ‘Yon after mga ilang araw (tumawag siya).” 

“Saka may girlfriend ako. Six years na kami,” dagdag ni Carlo.

Setyembre noong nakaraang taon, matapos ang naging away ni Melai at Jason ay nagbati din naman ang dalawa at biniyayaan pa ng bagong baby na si Stela Rosalind.

Nang matanong kung mas maingat na ba siya ngayon pagdating sa love team, sinabi ni Carlo na wala siyang dapat pag-ingatan dahil trabaho lang naman ang kanyang ginagawa.

“Hindi ako mag-iingat kasi trabaho ko eh. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. Kung may mangyaring ganoon, kakausapin ko,” ani Carlo.

Sa ngayon ay masaya si Carlo na Book 2 na ang serye niyang “The Better Half” kung saan kasama niya si Denise Laurel, JC de Vera at Shaina Magdayao.

Mapapanood ang “The Better Half” tuwing hapon pagkatapos ng “Pusong Ligaw.”



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments