BUSINESS AS USUAL NGA BA? (2)

0
58


NAG-POST ang big boss ng GRAB na si Brian Cu sa FB na “business as usual” ang operation ng kanyang kompanya na transport provider kahit kwestiyunable ang renewal ng accreditation nito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ang accreditation ay isang mahalagang rekisito para naman sa pagkuha ng prangkisa.

Next month ay accreditation naman ng UBER ang mapapaso at sa ilang buwan pa ay ang sa UHop naman.

Sa ganang akin, mas mainam na may regulasyon ipinapatupad ang pamahalaan sa mga TNCs at TNVS.

Nababahala marahil ang GRAB na mahuli ang kanilang units dahil nga wala pa ang renewal ng kanilang accreditation.

Ang TNVS drivers at providers ay may pagkilos noong July 7, isang signature campaign upang hilingin sa LTFRB na aksyunan na ang renewal ng accreditation.

Libo-libo ang mga accredited TNVS provider.

Ngunit marami sa kanila ang walang prangkisa o provisional authority rin lang dahil sa marami sa kanila ang na-accredit ng TNC na suspended naman ang pagtanggap ng application para sa bagong prangkisa ng LTFRB.

Nagtakda ang LTFRB ng pagdinig ng renewal of application ng GRAB sa July 11, 2017 o 8 araw pagkatapos na mag-expire ang accreditation nila.

Pero pagkatapos ba ng July 11 na pagdinig ay kaagad bang ire-renew ang accreditation ng GRAB lalo na at may mga pending opposition dito?

Ano ang magiging status ng providers sa ganitong sitwasyon?

Ganoon din ba ang magaganap sa UBER sa August, na maghe-hearing pagkatapos na ng expiration date?

Sana, mabigyang-linaw ito ng LTFRB sa mga darating na araw. Mainam na may regulasyon ang mga TNC dahil sa totoo lang, kahit walang accreditation ang mga ito ay hindi rin hihinto sa kanilang operasyon.

Business as usual nga ba, may accreditation man o wala? SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments