‘Buong BANZAI… Eat, Bulaga!’ | Entertainment, News,

0
17


Kailan lamang ay muling hindi napigilan

Ang pagbibigay papuri sa bansang Japan,

At tila kanyang gilas walang katapusan

Pagkat two weeks ago muling napatunayan!

 

Hindi sa panahon, kultura’t kagandahan,

Entertainment ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hindi rin sa pagkain at katahimikan,

Sa pagiging ligtas at kanilang paggalang,

Malamang ‘di mahulaan… sa KAHAYUPAN!

 

Bago nawala sa kalendaryo nang tuluyan,

Sa last week ng August Dabarkads ay lumisan,

Lumipad FUKUOKA, lungsod ng OITA, Japan,

BEPPU AFRICAN SAFARI natikman! Dyarannn!

 

Letra ng Bulaga theme song napaglaruan,

“Mula sa QC hanggang sa KYUSHU” nga naman!

O, “Mula SAFARI” na titik ng awitan!

“‘Sanglibo’t isang tuwa, buong BANZAI… Japan!”

 

“Hirohito, Vic at Joey…” Ngek! Dagdag na ‘yan,

Pero ang trip na naranasan ay TWO-IN-ONE!

Eh ulam at main course na nga Japan pa lamang,

May bonus pang African Safari ba naman!

 

Ang mga LEON halos kayo’y maghingahan!

Harapan kayo’t isang piye lang pagitan!

Naturalmente may rehas na harang naman!

Kung wala? EAT mga Bulaga men and women!

 

Siste nga, Joey de Leon feeding the lions!

Meron kayong tongs na pangsubo syempre naman!

Pakain din mga camels pati elephants,

Mga tigers and cheetahs may kasupladuhan!

 

Dabarkads and their Jungle Bus at the Beppu African Safari Wildlife Park.

Tila ba Jurassic Park aming napuntahan

Sa laki at lawak ng kanilang tirahan!

At tungkol nga pala sa aming sinasakyan,

Sa isang Jungle Bus dun kami nakalulan!

 

Op kors buong Dabarkads lahat ay nag-ONSEN!

RYOKAN – KUROKAWASOU sa kabundukan!

Napakaganda ng angkin n’yang kalikasan,

Maliban sa mga ilog lahat kulay luntian!

 

Ang onsen ay isang uri ng paliguan,

Sa loob o labas mga pagpipilian,

Likas na bukal na pinainit ng bulkan,

‘Yung mga may tattoo pribado ang lubluban!

 

“Kagandahan” din lang ang napag-uusapan,

Nais ko lang ibahagi ‘sang kaganapan,

Kung bakit mataas pagtingin ko sa Japan,

Kanyang titulo: “Kahit Sa Isang Kendi Lang!”

 

Kaiba ang Hapon pagdating sa paggalang,

Mistula ba silang isang linya ng langgam

Na sa tuwing salubong ay nagbabatian;

Nagyuyukuan, lumuhod ay kulang na lang!

 

Sa pagdalaw na ito’y muling nasubukan —

Pagbihirang ugaling Hapon at paraan,

Lubhang hinahangaa’t sinasaluduhan,

Waring sa ganito sila’y nag-iisa lang!

 

Maraming lugar ang grupo na pinuntahan,

At doon sa isa sa mga hinintuan,

Bumili ‘ko ng kendi ngunit ‘di tinikman,

KABOSU CARAMEL ang tatak at pangalan!

 

Sumunod na araw na nang aking binuksan,

Nang aking isubo ako’y napa-YUM, YUM, YUM!

Tuloy-tuloy ang nguya’t ‘di na tinigilan,

At nang paubos na naghanap ng tindahan!

 

Nakupo’t nalibot na ang kapaligiran,

Subalit ang kendi walang nakakaalam!

Nang susuko na’y may huling napagtanungan

Na isang kahera na medyo na damatan!

 

Akalain n’yong nang ipakita balutan,

Nag-isip sandali at ako’y nginitian,

At biglang lumabas at kaha n’yay iniwan!

Biglang lakad at kami daw ay sasamahan!

 

Sa istasyon ng tren amin pang pinasukan,

Dito’y tiket pa nga dapat ang kailangan,

Pero pagdaan kanya na lang pinaalam

Sa gwardya at sila na nagkaunawaan!

 

Nang aming marating ang malayong tindahan,

Nakakagulat at hindi kami iniwan!

Naghintay lang s’ya hanggang sa magkabayaran!

O, ano ngayon ang masasabi ninyo d’yan?!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments