Bubble Gang, hindi mapatumba ng kalaban

0
23


Hindi lang longest running comedy gag show na maituturing ang Bubble Gang dahil hindi rin maitatanggi ang patuloy na pamamayagpag nito sa TV ratings. Every Friday night ay parami nang paraming viewers ang tutok na tutok sa mga pakulo nito.

In fact, ayon sa aming source, patuloy ang pamama­yagpag nito kumpara sa mga programang itinatapat dito.

At kahit 22 years na sila, unstoppable pa rin ang buong cast sa paghahanda para sa kanilang upcoming anniversary special na ayon sa nakausap namin ay first time gagawin sa entire history ng programa. Excited na kaming ma-witness ito. Puwede bang i-fast forward sa November na?

Heart-Alexander, good vibes ang handog sa fans

Heart Evangelista at Alexander Lee

Isa pang nakakatuwang napanood namin sa social media kamakailan ay ang ­Instagram stories ni Heart Evangelista at Alexander Lee. Bukod sa madalas na pagba-bondin­g nila, nakuha rin nila ang atensyon namin nang minsang mag-birthday ang asawa ni Heart na si Sen. Chiz Escudero­. Full force kasi doon ang buong cast ng serye ni Heart at Xander na talaga namang all-smiles din.

Isa pa sa pumukaw sa atensyon namin ay ang pagtuturo ng dalawang bida sa mga bi­sita ng senador para gawin ang trending na Korean finger heart. Marami sa mga ito ang sumubok and in the end, nakipagtawa­nan na dahil sa good vibes na binigay nito.

With this, isa itong pruweba na My Korean Jagiya sends nothing but positive vibes. No wonder ang taas ng ratings nito lagi gabi-gabi.

Meanwhile, we’d like to give a thumbs up sa buong team ng My Korean Jagiya dahil sa mga pasabog nito every night. Tutok na tutok talaga ang lahat ditto –netizens man o house viewers. Talagang hindi sila maawat na ulit-ulitin ang episodes nito.

Tulad na lamang ng swimsuit showdown nina Valeen at Heart dito kung saan umabot na ito ng 1 million views. Grabe ang powers ng MKJ!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments