Braso ng aktres, mukhang hita | Tempo

0
95


Ang sipag mag-workout ni Bea Binene. Target weight kasi niya ay maging 100 pounds siya. Malaki na ang ibinawas ng timbang ni Bea, pero aniya, kapag napapanood niya ang sarili niya sa “Mulawin Vs. Ravena” ay nagugulat siya.

Tingin daw niya’y mataba pa siya. Sinasabi raw niya sa kanyang coach na bakit daw mukhang hita ang kanyang braso.

Nadadagdagan kasi ng ten pounds kapag nasa TV si Bea.

Kaya kahit busy siya sa taping ng MVR, naisisingit pa rin niya ang pagwo-workout sa gym. Sinasamahan pa siya ni Derrick Monasterio at sabay silang nagwo-workout.

Samantala, kamakailan ay nagpunta sa Tacloban City ang co-stars ni Bea sa MVR na sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Dion Ignacio at Derrick Monasterio. Nakiisa sila sa tree planting ng mga estudyante sa Tacloban High School.

Bukod sa entertainment value ng MVR, ipinapangaral din sa viewers ang pangangalaga sa kalikasan. Ipinapakita ng mga karakter sa serye ang dapat na responsibilidad ng mga tao sa environment. Kaya naman, nakiisa sa tree planting ang apat na Kapuso stars ng MVR.

Squad goals

‘Kaaliw at katuwa ang Boomerang post ni Lauren Young sa social media. Kasama niya ang co-stars niya sa “Legally Blind” na sina Janine Gutierrez, Mikael Daez, Rodjun Cruz, Ashley Rivera, Marc Abaya at si direk Ricky Davao.

Squad goals ang post ni Lauren dahil aniya, true friendship ang namamagitan sa kanila. Nabuo ang kanilang camaraderie sa pagsasama-sama nila sa LB.

Kagalit-galit ang mga karakter nina Lauren at Marc sa serye .Painit nang painit ang mga eksena sa nalalapit na pagtatapos ng LB. Makunsiyensiya na kaya sila sa kanilang kasamaan?

Nainggit

Gusto na rin daw mag-showbiz ng second daughter ni Ogie Alcasid sa first wife niyang si Michelle Van Eimeren na si Sarah .

Nagpunta kamakailan si Ogie sa Australia at dinalaw ang anak. Nasabi raw ni Sarah na gusto nitong mag-showbiz tulad ng kanyang ate Leila.

Okey naman kay Ogie na mag-showbiz din si Sarah, pero kailangang tapusin muna nito ang high school. Sarah is 15 years old, 19 naman si Leila.

Kapag nag-showbiz na si Sarah, magkakasama na silang magkapatid manirahan sa Pilipinas with their daddy Ogie and stepmom Regine Velasquez and half-sibling Nate.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/06/27/braso-ng-aktres-mukhang-hita/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments