BOSES NG MGA KAPITALISTA SI EX-NPA COMMANDER JOEL MAGLUNGSOD

0
68


HINDI ako nagulat nang mabasa ko sa The Manila Times nitong Byernes na si Undersecretary Joel Maglungsod ng Department of Labor and Employment ay boses na ng mga kapitalista.

Si Maglunsod na minsang naging tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno sa Mindanao, naging komander ng New People’s Army, at naging partidista ng Comunist Party of the Philippines ay nagsabing kailagang isaalang-alang at pag-aralan ang mungkahing P184 across-the-board wage increase ng Association of Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines sa National Capital Region – Regional Wage and Productivity Board ang magiging epekto ng hinihinging umento.

Sa kasalukuyan, P491 ang sahod kada araw ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Idiniin ng ALU-TUCP na kailangan nang itaas ang sahod ng mga manggagawa dahil ang P491 ay P357.09 ang tunay na halaga nito.

Ayon sa ALU-TUCP, kailangang itaas ang arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila uanng makaagapay sa pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin, bayad kouryento, tubig, at iba pa.

Kung tutuusin, ang P184 arawang umento ay napakaliit kung pagbabatayan ang pag-aaral ng Ibon Foundation at Kilusang Mayo Uno.

Wala pa lang silbi ang DOLE kahit isa sa mga pangunahing opisyal nito ay dating komunista, dating NPA komander, at dating lider-manggagawang galing sa KMU dahil sa tono ng pananalita ni Maglungsod ay kaagad na niyang kinatigan ang mga kapitalista.

Hindi man binanggit ni Maglungsod, mataas na ang P50 ang umentong maaaring aprubahan ng RWPB, banggit ng sources ng The Manila Times.

Ang pahayag ni Usec. Joel Maglungsod ay nagbibigay ideya sa atig lahat na nilamon na siya ng sistema at patakarang makakapitalista ng DOLE.

Wala na silang pinagkaiba ni Secretary Silvestre Bello III.

PAGPAPATAYO NG BAGONG CITY HALL, BINABANTAYAN NI MALAPITAN

ANG bagong gusali ng Caloocan City Hall ay isa sa mga mahalagang proyekto ni Mayor Oscar Malapitan.

Kaya naman, hindi nakapagtatakang personal na iniinspeksyon ni Mayor Malapitan ang itinatayong City Hall dahil gusto niyang maayos, maganda, at matibay ang pagkakatayo nito.

Dapat ganyan an glider ng lahat ng pamahalaang lokal sa iba’t ibang panig ng bansa.

TAPUSIN NA ANG KONTRATA NG BUSAN

MAHIGIT na isang taon ang serbisyo ng Busan Universal Rail, Inc. sa MRT-3, ngunit palpak pala ito.

Palaging nakakasira ang mga tren ng MRT-3, kaya madalas mahinto ang biyahe nito.

Ang kawawa rito ay ang mga pasahero at syempre sayang ang milyun-milyong kontrata rito ng Department of Transportation.

Ang pinakamahusay at pinakawastong gawin ay tapusin na ang kontrata ng DOTr sa Busan na siyang posisyon ni ASec. Cesar Chavez.

===
Problema at hinaing n’yo, itawag, o i-text sa: 09985650271. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments