BEAUTY QUEEN, NAGPAKALAT NG ‘FAKE NEWS’!

0
75


Nagpapakontrobersyal, ‘yan ang paratang kay 2016 Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific Ganiel Krishnan dahil sa blind item niya tungkol sa aktres na tumanggi na makasama siya sa dressing room ng PICC Plenary Hall sa coronation night ng Miss Manila 2017 noong June 24.

Tumanggi si Ganiel na pangalanan ang aktres na naging rude sa kanya at subject ng Twitter rants niya pero nang lumaki ang isyu, inabsuwelto ng beauty queen sina Sa­rah Geronimo, Sarah Lah­bati, Nadine Lustre at Yassi Pressman na pare-pareho na may participation sa Miss Manila 2017.

Si Ella Cruz ang napagbintangan na aktres na tinutukoy ni Ganiel dahil nag-perform din siya sa Miss Manila 2017 at hindi kasali ang panga­lan niya sa mga unang pinawalang-sala ng half-Filipino half-Indian beauty queen.

Nang madamay si Ella, buong ningning na sinabi ni Ganiel na fake news ang lumabas.

Inakusahan na nagpapakontrobersyal si Ganiel dahil kung pinangalanan niya agad ang aktres na diumanoý nambastos sa kanya, hindi na sana nanganak nang nanganak ang isyu at hindi nadawit si Ella.

Nagpabebe si Ganiel sa drama nito na hindi raw naman big star ang aktres na tinutukoy niya kaya “Let it go na lang! I know how social media works! I didn’t drop any name kasi kawawa din if ever. But nope, it’s not Nadine Lustre, Yassi Pressman, Sarah G. or Sarah L. They’re all super nice!

Kung hindi nag-rant sa social media si Ganiel, hindi nagkaroon ng kontrobersya dahil siya na rin ang nagsabi na “I know how social media works!”

Nahuhuli sa bibig ang isda kaya parang sinabi na rin ni Ganiel na kung big star ang kanyang naka-engkuwentro, baka ibinulgar na niya ang pangalan ng mystery actress.

Inabswelto ni Ganiel si Ella kaya isang aktres na lang ang hindi pa nababanggit at possible suspect, ang singer-actress na si Kim Molina na nagkaroon din ng production number sa Miss Manila, kasama sina Katrina Velarde at Janine Tenoso.

At dahil hindi rin naman big star si Ganiel at hindi siya ka-level ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, asahan natin na kusang mamamatay ang isyu pero nakakalulungkot lang dahil nadamay si Ella.

At any rate, tapos na ang fifteen-minute fame ni Ganiel na may pananagutan din sa pagkalat ng fake news.

Intindihin na lang natin si Ganiel dahil baka dinamdam nito nang husto ang pagkatalo sa Miss Manila 2017 ng kanyang kapatid na si Glenn na claim-to-fame na look-alike siya ni Pia pero thank you girl lang at ni hindi nakapasok sa Top 15 candidates ng sinalihan na beauty pageant.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments