Bawas-presyo sa diesel, gasolina, kerosene

0
69



Good news sa mga motorista dahil may rollback sa diesel na 90 centavos kada litro, 55 centavos naman ang bawas sa gasolina at 90 centavos sa kerosene.

Ito’y matapos ang tatlong magkakasunod na linggong oil price hike.

Nakatakdang ipatupad ang rollback ng Flying V at Seaoil mamayang alas-12 ng hatinggabi habang bukas naman ng alas-6 ng umaga magpapatupad ng bawas sa presyo ang Shell, Petron, Phoenix at Eastern Petroleum.

Humihirit naman ng dagdag-singil sa pamasahe ang mga tsuper ng jeep. Sigaw nila na gawing P9 ang minimum na pamasahe mula sa kasalukyang P8. 

Inaasahan kasing magkakaroon ng tatlong bagsak na big-time price hike sa diesel kapag naging ganap nang batas ang bagong excise tax sa petrolyo.

Pero ayon sa mga pasahero, huwag na munang galawin ang pasahe dahil katataas lang nito sa P8 nitong Pebrero.

Kung mapapako sa kasalukyang presyong P31 hanggang P32 kada litro ang regular na diesel at madadagdagan ng mahigit P3 sa unang taon ng pagpapatupad ng excise tax, maglalaro sa mga P34 hanggang lagpas P38 ang magiging presyo ng diesel.

Kaya ang plano ng gobyerno, muling buhayin ang dati nang programang ‘pantawid-pasada’. 

Tutulungan ang mga tsuper para may pansalo sa dagdag-gastos na idudulot ng pagtaas ng presyo ng diesel.

Pero kung Department of Transportation ang tatanungin, hindi epektibo ang pantawid-pasada.

Paliwanag ni Department of Assistant Secretary Elvira Medina, kailangang pag-usapan at planuhin itong mabuti sa halip na umasa lamang sa pantawid pasada program. 

–Ulat ni ALvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments