BATIKUSIN DIN NG KALIWA SI LIZA MAZA (2)

0
28


ITULOY natin ang ating talakayan ukol kay Liza Maza na makakaliwa at pinuno ng National Anti-Poverty Commission.

Kung binabatikos ng makakaliwa ang administrasyong Duterte, dapat din nilang batikusin si Maza dahil bahagi ito ng Duterte admin.

Si Maza ay pinatakbo ng kuwalisyong Makabayan sa pagka-senador sa tiket ng Nacionalista Party noong 2010, ngunit siya ay natalo, sapagkat hindi nakumbinsi ang mga botante na karapat-dapat ngang magng senador si Maza.

Pagkalipas ng mahigit anim na taon, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Maza sa NAPC, kasabay ng pagkakatalaga kina Rafael Mariano sa Department of Agrarian Reform at Judy Taguiwalo sa Department of Social Welfare and Development upang patunayan lang ng Pangulo na ang kanyang administrasyon ay tapat at seryoso sa pakikipag-usap sa mga komunista upang magkaroon na ng pangmatagalang kapayapaan sa Pilipinas.

Sina Masa, Mariano, at Taguiwalo ay inirekomenda ng National Democratic Front of the Philippines kay Duterte.

Aminin natin ang katotohanang napakarami pa ring mahihirap na mga Filipino.

Ngunit, hindi man lamang binira kahit isang beses si Masa ng kapwa niya kaliwang puwersa, gayong nanlilimahid sa kapalpakan ang NAPC.

NEDA ang madalas na batikusin ng mga organisasyong nakapaloob sa kwalisyon ng pambansa demokratikong organisasyon.

Walang ibang dahilan kundi si Liza Masa ay kaparehas nilang kadre ng pulahan na kabilang sa kampon ni Jose Ma. Sison.

NAGTAGUMPAY ANG MEGA JOB FAIR

NAPAKARAMI na namang residente ng Lungsod ng Caloocan ang natuwa nang sila ay matanggap sa trabaho nitong Oktubre 26.

Sila ay nagkatrabaho sa pamamagitan ng proyektong Mega Job Fair ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan.

Malayo pa ang Pasko, ngunit mistulang nakatanggap na ang mga residente ng pamasko mula kay Malapitan dahil sa pagkakaroon nila ng trabaho.

Simula 2013, isa na sa regular na proyekto ni Malapitan ang Mega Job Fair.

Sa pamamagitan nito, napatutunayan ni Malapitan na ang kanyang administrasyon ay “Tao ang Una.” BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA

loading…





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments