BATAS NI ALVAREZ, NAKATATAKOT – Remate

0
49


PINALAGAN ni Sen.Franklin Drilon ang balak ni House Speaker Pantaleon Alvarez na lusawin na ang Court of Appeals matapos utusan ng nasabing korte ang mambabatas na palayain ang anim na empleyado ng Ilocos Norte Provincial Government sa kustodiya ng Kongreso.

Ayon kay Drilon, kanyang tututulan ang gagawing paggiba ni Alvarez sa CA dahil ito ay lubhang makaaapekto sa buong sistema ng Hudikatura na bagay na hindi naman dapat umabot pa sa ganitong pamamaraan.

Eh pwede namang pag-usapan nang mahinahon ng dalawang sangay ng gobyerno na ito ang sigalot na namamagitan sa kanila upang hindi na makasira sa sistema ng takbo ng tatlong sangay ng gobyerno.

Kung tutuusin ay napakasimple lang ang bumabalot na sigalot sa dalawang sangay na ito ng gobyerno dahil pwede namang pag-usapan kung papayag o hindi ang Kongreso sa kautusan ng CA na pakawalan ang tinaguriang Ilocos Norte 6 na halos malapit nang mag-isang buwan nakakulong.

Bakit kailangan pang umabot sa lusawan?

Ibang klase na ngayon itong nakikita ko kay Speaker Bebot Alvarez. Hindi na siya ‘yung dating Cong. Bebot Alvarez na sa konting problema lamang ay kanya na lamang pinagpapasyahan at pinagkikibit-balikat lang.

Kung dati-rati si Speaker Alvarez ay sunod-sunuran lamang sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso, ngayon ay “feeling” na niyang siya ang batas na dapat sundin ng bawat kapanalig nito.

Kita naman siguro natin ang mga ginagawa ni Speaker Bebot. Hindi natin kailangan pang magbulag-bulagan at magsawalang-kibo na lamang sa kanyang mga ginagawa sa Kongreso.

Kunsabagay ay pana-panahon lamang ‘yan, ‘di ba, Speaker Sonny Belmonte?

BOOKIES NI NOLI P. PADER SA 2 PERALTA

Hanggang ngayon ay patuloy ang operasyon ng bookies ng Small Town Lottery nitong si Noli Perez sa Rosario, Batangas .

Hindi hinuhuli ni Rosario, Batangas Chief of Police Supt. Mary Cristal Peralta dahil sa ang katwiran niya, eh, direkta raw ito kay PD Supt. Randy Perlata(uy Peralta rin…hindi kaya magkamag-anak ang mga ito?)

He..he..he..he…hehhhhhhhhhh..heheheeeee.

Tangna n’yo! Heheheeeee!

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments