Batang magkapatid nalunod sa lawa sa Zamboanga City

21


Ang lawa kung saan nalunod ang dalawang magkapatid sa Zamboanga City, Biyernes ng hapon. Kuha ng Police Station 7

Nalunod ang dalawang batang magkapatid sa isang lawa sa Zamboanga City nitong Biyernes ng hapon.

Inutusan umano sina John Carlo Francisco, 8, at Christian Francisco, 6, ng kanilang ina na kumuha ng tubig sa lawa sa Luyahan Pasonanca nang maisipan nilang maligo sa lawa dahil sa init ng panahon.

Ayon kay Police Chief Insp. Rolly Joaquino, hepe ng Police Station 7, naisugod pa sa ospital ang mga bata ngunit idineklarang dead on arrival.

“Iyong area kung saan nangyari ang accident is just a few meters away [from] the residents of those victims. Ang tinitingnan natin doon ay kung bakit open ito at siyempre iyong mga bata very attractive sa kanila kapag may makitang mga lugar na may tubig. Hindi kasi nila alam iyong area is filled with mud,” ani Joaquino.

Ayon sa mga residente na nakatira malapit sa lawa, ito ang pang-apat na ganitong aksidente sa lugar.

Noong mga nagdaang taon may tatlo nang namatay dahil sa pagkalunod habang ang iba ay aksidenteng naipit nang nagkaroon ng landslide sa lugar.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis kung may liability ang nasabing may-ari ng lupa at ang mga magulang sa nangyaring insidente.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments