BARON AT KIKO, NAGMURAHAN, NAGBAKBAKAN SA PRESSCON!

0
54


Scripted? Planado? For a show? Whatever! Pero bentang-benta talaga sa amin ang ‘asaran’ ‘bugbugan’ ‘lambingan’ ‘murahan’ nina Kiko Matos at Baron Geisler!

Kaloka na live na live kong nasaksihan kung paano magka­rinyo-brutal ang dalawa, ha! Kaya ang isang presscon na tulad ng URCC (Universal Reality Combat Championship), na ginanap sa Winford Hotel, na nagsimula sa punung-puno ng ‘kaalaman’ at ‘impormasyon’, at nauwi sa nakakatawa, pero nakakatensiyon na ‘bakbakan’ sa pagitan nina Baron at Kiko.

Pa’no nagsimula ang ika-nth time na bakbakan, murahan nilang dalawa?

Anyway sa presscon nga kahapon, sa simula ay cool na cool nga ang itsura ni Kiko Matos.

Tinanong namin siya kung sino ang makakalaban niya sa mga URCC fighters na nasa tabi niya, at sinagot naman niya na hindi pa raw niya alam.

Si Baron ba? Tanong ko ulit kay Kiko. Na sinagot naman niya na hindi raw siya sigurado.

Nu’ng time na `yon, may bulung-bulungan na darating nga si Ba­ron. At makalipas nga ang isa’t kalahating oras (12:00 pm ang call time), dumating nga si Baron, at sa kainitan `yon ng Question and Answer portion, ha!

Pumuwesto lang sa bandang gilid, o sa lugar na may pagkain. Tumikim ng isang putahe, at naglakad na papalapit sa tabi ni Kiko, na nasa harap o presidential table, kasama ang ibang mga URCC professional fighters, pati na sina Chairman Baham Mitra, at Mr. Alvin Aguilar.

Baron Geisler at Kiko Matos

Inalok ni Baron ng hawak niyang ‘pagkain’ si Kiko, na tinanggihan naman ng huli.

At `yun na nga, biglang may nagtanong na kay Kiko, tungkol sa posibleng ‘bakbakan’ nila ni Baron.

Sagot naman si Kiko ng maayos, nang biglang tila nang-aasar na humirit si Baron sa mga sinabi ni Kiko.

At tulad noon, umabot sa punto na tila pinikun-pikon talaga ni Ba­ron si Kiko, na may kasama pang mura, at doon na nagsimula ang lahat. Kumagat si Kiko sa pambubuwisit ni Baron, at itinulak na niya si Baron.

Makikita sa photos na nakahiga sa magkakatabing silya si Baron, habang nasa ibabaw niya si Kiko. Pero, `yun na nga, maagap naman na lumapit ang mga tao sa paligid at inawat ang dalawa.

Ilang minutong murahan, insultuhan pa rin ang naganap sa pagitan nila. Na ang ending nga, pareho silang naghamunan na magharap na lang sila sa Araneta Coliseum sa August 12.

Siyempre, palakpakan, na may kasamang sigawan ang namayani sa paligid. Winner na winner ang agaw-eksenang `yon nina Baron at Kiko.

Again, scripted man, o planado, winner pa rin sa amin `yon! 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments