Barbie-Jak ‘loving-loving’ ibinuking ni Kris Bernal

0
23


Binuking ni Kris Bernal ang pagdi-date nina Barbie Forteza at Jak Roberto na aksidente niyang nakasalubong. Bago pinost ni Kris ang pagkikita nilang tatlo, may post na si Barbie sa kanyang Ins­tagram kung ano ang kinakain niya.

“Hay salamat din a Korean” – @jakroberto.” Tuwang-tuwa naman ang followers niya sa date na ‘yon nila ni Jak.

Samantala, sa caption ni Kris sa IG nang masalubong niya ang lovers, dama ang mutual admiration nila ni Barbie.

“Barbie: Ako si Rosette.” What she doesn’t know is that I adore her more than the roles I’ve portrayed! What a fine and versatile actress at a young age! Nice bumpin’ into you guys, @jakroberto & @barbaraforteza,” caption ni Kris.

“Awww di naman ako ready sa pa-caption. Ano ba ikaw ang ultimate shapeshifter ng afternoon prime. Kahit ako susuko sa ginagawa mo eh. Saludo ako sayo,” tugon ni Barbie sa pa-caption ni Kris na bida sa Impostora.

Nagpasalamat naman si Jak sa pagkikita nilang ‘yon ni Kris.

Eh kahit naman may chikang bawal nang mag-post sina Barbie at Jak ng pagdi-date nila, hindi naman kayang pi­gilan ang mga taong nagmamahalan, huh!

JM de Guzman type ni Jennylyn

JM de Guzman

Sumabak na sa pag-arte kahapon si JM de Guzman pero sa campaign muna ng isang brand ng computer. This time, natuloy na rin ang pagsasama nila ni Jennylyn Mercado.

Sila sana­ ang magkapareha sa filmfest movie na #Walang Forever pero pinalitan siya ni Jeri­cho Rosales.­

Inilabas ni Jen sa kanyang Jennylyn Mercado page sa Facebook ang pagsasama nilang ‘yon ni JM na kinunan sa Tagaytay. Happy nga si Jennylyn na nakasama na niya finally si JM, ha! Alam din kasi ni Jennylyn na mahusay na aktor si JM at type rin talaga niya itong makaeksena.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments