Barbie hindi agad-agad bumibigay sa lalake

0
28


Happily private ang lovelife ni Barbie Forteza.

Pero kahit wala silang relasyon ng kapareha niyang si Ken Chan sa This Time I’ll Be Sweeter, umaapaw pa rin ang hatid nilang chemistry sa lahat ng eksena nila sa Joel Lamangan film.

Kapag na-in love, hindi agad bumibigay sa lalaki si Barbie kahit mas type rin niya ang guy.

“Ako ‘yung tipo ng tao na naghihintay ako. Tinitingnan ko muna kung paano ako mamahalin saka ko susuklian. Hindi ako ‘yung go kaagad. Hindi ako ‘yung basta magmamahal. Titingnan ko muna saka ako magmamahal. Saka ko ii-evaluate,” pahayag ni Barbie.

“Ako naman ‘yung klase ng tao na kapag nagmahal kasi ako parang barkada lang. Gusto ko ‘yung maluwag kami sa isa’t isa. Parang best friend ko siya. Pababayaan ko siya kung ano ang gusto niyang mangyari. Ganoon ako kaluwag. Hindi ako nakakasakal. Para ‘pag dumating man ‘yung takdang araw na saktan niya ako, hindi masyadong masakit,” sey naman ni Ken.

Dahil nga sa friendship nilang nabuo, feel na feel ng fans nila ang makatotohanang pagganap nila sa kanilang characters sa pelikula.

“Naniniwala naman ako na ang isang loveteam, hindi naman kailangang mag-on sa totoong ­buhay. Kami ni Barbie, mahal namin ang isa’t isa ­bilang magkaibigan. Napakasuwerte naming dalawa dahil tinatanggap ng mga tao ang pinapakita namin sa kanila.

“Ayaw naming manloko ng mga tao. Ayaw na­ming magkunwari na kami dapat. Kaila­ngang maging totoo tayo sa sarili na­min at ‘yun ang magic na meron kami ni Barbie.

Hindi kami mag-on sa totong buhay pero alam ng tao na espesyal kami sa isa’t isa,” rason ni Ken sa positibong pagtanggap ng tao sa loveteam nila.

Ang mga pasabog na kilig at pasiklab na iyakan ay mapapanood na ­bukas, November 18.

Anak ni Isabel artistahin ang dating

Nagpahatid ng pakikiramay ang Regal Films sa pagkamatay ng kanilang Regal Baby na si Isabel Granada.

Nakagawa rin ng mga pelikula ang namayapang aktres nu’ng panahong bagets na bagets pa siya katambal ang ka-loveteam na si Chuckie Dreyfuss.

“Our heart breaks with the passing of our Regal Baby, Isabel Granada. May you rest in peace. We offer our thoughts & deepest sympathies. 

Sincerely, your Regal family,” saad sa Instagram account ng @regalfilms50.

Ilan pa sa nagpaabot ng pakikiramay sa naiwan ni Isabel ay sina Jean Garcia, Billy Crawford, Kris Bernal, Angeline Quinto, John Estrada at iba pa.

Sa Kapuso Mo Jessica Soho, dinetalye ng partner ni Isa kung paano inatake sa puso ang partner. 

Sa Qatar sana sila magsi-celebrate ng second anniversary pero hindi na ‘yon magkakaroon ng katuparan.

May pahayag din ang anak ni Isabel na si Hubert na sa murang edad ay artistahin na ang kaguwapuhan.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments