Barbie goes on us trip on her 20th birthday | Tempo

0
40


By Ruel J. Mendoza

As always, walang big party ang Kapuso Teen Queen Barbie Forteza sa kanyang nalalapit na kaarawan on July 31.

Dahil magpapaalam na sa pagiging teenager si Barbie dahil 20-years old na siya on her birthday, niregaluhan niya ang kanyang sarili ng isang well-deserved na US trip.

“Every birthday ko naman po, hindi ako nagpa-party ng bongga. Mas gusto ko ‘yung kasama ko ang family ang a few close friends. Mas gusto ko mag-charity work.

“Tulad noong mag-18 ako, wala akong malaking debut party kahit na willing na tumulong ang ibang sponsors at pati na ang GMA-7 na gumastos sa party.

“Ang sabi ko naman, hindi praktikal na magpabongga ako para lang sa isang gabi. Mas gusto kong i-donate na lang nila ang igagastos nila sa party sa mga tinutulungan kong charities.

“Tulad ng isang children’s hospital kunsaan I helped raised funds para makagawa ng bagong wing ‘yung ospital for their other patients.

“For me, masarap sa feeling na birthday mo tapos nakakatulong ka pa,” ngiti pa ni Barbie.

Six months din nag-work si Barbie para sa teleserye na “Meant To Be” at pinangako niya sa sarili na magbabakasyon siya sa US ng ilang weeks.

“Bibisitahin ko ang sister ko who is based in Chicago. Gusto ko rin pumunta sa New York City.

“I want to visit different museums and planetariums kasi nagkaroon ako ng interes ngayon sa mga planets, stars and the heavens.

“Since ang tagal din naming ng work for “Meant To Be”, ilang puyatan din iyon, I want to take a well-deserved vacation. Kasama ko naman ang parents ko kaya treat ko na rin ito sa kanila.”

Wala pa raw next teleseryesi Barbie, pero may movie siyang gagawin for Regal Entertainment with Ken Chan na ididirek ni Joel Lamangan.

Tungkol naman daw sa panliligaw sa kanya ni Jak Roberto, ito lang ang masasabi ni Barbie: “Siya na lang po tanungin ninyo.”

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/07/24/barbie-goes-on-us-trip-on-her-20th-birthday/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments