Bangkay sumabit sa lambat ng mangingisda sa Laoag

31



LAOAG CITY – Natagpuang patay ang isang 62-anyos na mangingisda matapos sumabit ang bangkay nito sa lambat ng kasamahang mangingisda noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Fedreick Pascual na nalunod matapos pumalaot sa ilog sa Barangay Suyo.

Kuwento ng kasamahan ni Pascual na si Juanito Antonio, humiwalay umano ang biktima sa kanilang grupo at mag-isang nanghuli ng isda gamit ang pana.

Nagulat na lang umano sila nang hindi na nila makita si Pascual at nadiskubre na lamang na nakasabit na ang bangkay nito nang iahon nila ang kanilang mga lambat.

“Napansin namin na wala nang tao yun bangka niya kaya noong hindi na namin talaga siya makita, hinanap namin at nang alisin namin yung lambat, sumama yung katawan niya, sumabit,” ani Antonio.

Ayon sa pulisya, posibleng nalunod ang biktima sa ilog na nasa 20 talampakan ang lalim dahil sa kalasingan.

Wala namang nakitang foul play sa isinagawang post mortem check-up ni Dr. Joseph Adaya ng City Health Office.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments