Bangkay ng lalaking nakagapos, natagpuan sa Taguig

31



Natagpuan Huwebes ng gabi ang isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution sa Ruhale St., Barangay Calzada Tipas, Taguig.

Ayon sa Taguig police, may tama ng bala sa mukha ang biktima. Narekober sa lugar ang isang basyo ng bala ng 9mm.

Nakabalot sa dilaw na T-shirt ang ulo ng biktima, nakabalot din sa duct tape ang leeg nito, at nakatali naman ang kamay patalikod.

Nakasuot siya ng dark blue na T-shirt, pulang shorts at tsinelas.

Sa pagtataya ng mga rumespondeng pulis, nasa 20-anyos hanggang 25-anyos ang biktima na may taas na 5-foot-2 hanggang 5-foot-3.

Tikom ang bibig ng mga residente nang panayamin ng ABS-CBN News. 

Ayon sa mga taga-barangay, nadaanan lamang nila ang bangkay.

Madilim ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay. Walang kahit anong ilaw, madamo at may isang barong-barong sa tapat nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments