BALIKAN: Mainit na bakbakan nina Cardo at Joaquin sa ‘Ang Probinsyano’

0
203



Puno ng aksyon ang episode ng “Ang Probinsyano” nitong Martes, matapos buhayin nina Cardo (Coco Martin) at Joaquin (Arjo Atayde) ang pinasikat na fighting style ng namayapang si Fernando Poe Jr. 

Hindi man natuloy ang planong pambobomba ng buong simbahan, matagumpay namang naitangay ni Joaquin si Alyana (Yassi Pressman) ilang minuto matapos ang kasal nila ni Cardo. 

Dinala ni Joaquin sa inabandonang gusali si Alyana at muntik na niyang pagsamantalahan nang biglang dumating si Cardo. Sinubukan nitong sagipin ang kanyang asawa, pero agad pumasok sa eksena si Joaquin na tila nasisiraan na ng bait. 

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang nag-uumapaw na galit ng dalawang pulis sa isa’t isa. Sa gitna ng ulan, nag-mano-mano sina Cardo at Joaquin gamit lang ang kanilang mga kamao.

Isang mainit na palitan ng suntok ang naganap. Ang hindi alam ni Cardo ay may ikinukubling patalim si Joaquin, na siyang ginamit nitong panaksak. Parehong wala ng lakas, isa lang ang kailangang manaig sa kanilang dalawa. 

Sa tapat ng nasabing gusali, humandusay si Cardo sa putikan– sa eksaktong lugar kung saan tinadtad ni Joaquin ng bala ang kapatid nitong si Ador ilang taon na ang nakararaan. 

Isang malakas na pagsigaw na lamang ang nagawa ni Alyana habang pinapanood ang pagtumba ng kanyang asawa. 

Mula sa kani-kanilang mga TV screens, mainit na tumutok ang mga netizens sa naging bakbakan nina Cardo’t Joaquin. Marami ang nag-upload ng kanilang reaction sa Twitter. Narito ang ilan: 

Bagama’t marami ang naaliw sa episode, ang malaking tanong ngayon ay: Mabubuhay pa kaya si Cardo? 

Tutukan ang mga susunod na pangyayari sa “Ang Probinsyano” pagkatrapos ng “TV Patrol.” 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments