Baklitang director, pedopilya! – Remate

0
84


NAKATANGGAP ako ng kwento tungkol sa isang not so young but no so old pa rin naman na baklitang director na masyadong nagmamagaling o nagmamalinis kapag nagpo-post ng mga mema niya sa kanyang facebook account. Irita to the max ang aking informat dahil sa kung paramihan lang daw ng baho sa closet ay pihadong kung hindi man laging first runner up ay tittle sa pagiging pidopilya ito.

Certified manyakis ang movie director na ito. Ang kwento, hilig daw ni derected by na nangha-hunting ng mga batang-bata sa ilang mall na may mga bagets tambay kung saan ay may mga suki na itong bugaw na nagsusuplay sa kanya ng mga kabataang lalake na halos hindi pa sumasampa sa edad na kinse anyos.

Dahil kapag daw tipong 16-yrs old and above e makunat o gurang na ang tingin dito ni directed by. Ang feel na feel daw nito ay yung mga tipong hindi pa halos nakatatapos man lang ng secondary school at prefer niya talaga ang kahit grade 6 man lang.

Kahit nga daw hindi pa tuli ay peg na peg ni direk. Idenetalye ng aming source kung kung ano-ano ang type o trip nito sa kama habang kaulayaw ang mga napi-pick up niyang menor de edad pero hindi na namin isusulat dahil masyado na itong malaswa at baka hindi kayanin ng powers ng ilang readers natin na mahina ang sikmura at may pagka-konserbatibo.

Dahil kadiri as in hayuk na hayok sa laman ang trip ni baklitang direktor na idinetalye ng aming spy na dating isa sa mga tsuwari wari yap nya mismo at isa rin sa taga-pulot ika nga at taga kuha pa minsan ng malalaswang larawan sa mga batang napupulot nila.

Bagay na naging dahilan kaya nilayasan na raw niya ang may pagka exhibistionist ding balahurang movie director na feel na feel din na pinapanood pa siya nitong kanyang dating alalay habang nakipagtatalik sa bata.

FAKE NEWS NA MAY AIDS SIYA, IPINASA SA DIYOS NA LANG DAW NI SHARON CUNETA

Grabe na nga naman talaga ang paglipana sa ngayon ng mga fake news. Hindi lang sa mga issue sa politics huh! (kung saan ang tinagurian daw na reyna sa ngayon ng mga fake news sa politika ay ang boldstarlet turned Asec. ng PCOO na si Mocha Uson ay umaani madalas ng batikos sa social media) Maging sa showbis talagang nagiging talamak na ang pagkalat ng fake news.

Pinaka-latest si Megastar Sharon Cuneta na ipinamalitang may sakit na Aids o HIV carrier. Marami ang nagulantang sa balitang iyon dahil agad kinagat ng marami ring tanga na batugan magfact check kung legitimate ba o peke ang newsite na nagpu publish ng ganoong klase ng mapanirang balita. Hinala daw ng kampo ni Sharon e pakana ito ng mga may galit sa mister niyang si Sen. Francis Kiko Pangilinan dahil pa rin sa mga issues sa politika kung kaya’t maging ang megastar ay ginagantihan sa pamamagitan ng pagkakalat ng fake news.

But surprisingly, kalmado at very professional na hinarap ito ng mother nina Kc Concepcion at hindi nagpadala sa bugso ng damdamin (kahit nakakukulo ng dugo na mabiktima ng ganyang klase ng iresponsableng pakulo sa ngayon ng mga taong walang magawang mabuti sa kapwa). “God have mercy on the souls of those responsible for this horible “joke”! Uuy excited akong makita ang punishment ni Lord sa inyo! Yehey! Ang inaapi ay pinagpapala!

Yahoo may blessings na naman akong paparating dahil sa kasamaan ng ibang tao. Thank you po!” Pasaring ni Sharon sa statement na kanyang inilabas thru her social media account kaugnay ng “Fake na fake po ang news na iyan!” na ikinalat nga laban sa kanya. HALU-HALO/JUN CORTEZ

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments