Bagong album, ‘konektado’ sa McLisse relationship status

0
32



Hiyawan at kilig ang hatid ng tambalan nina Mccoy De Leon at Elisse Joson, kilala rin sa tawag na ‘McLisse’, sa kanilang fans sa sold-out mini-concert at grand album launch nila nitong weekend. 

Bagama’t kabado, excited ang dalawa sa kanilang unang sabak sa concert scene.

Ibinahagi rin nila na may koneksiyon ang mga awit sa album sa kung ano’ng nangyayari sa relasyon nila. 

“Dito sa album ‘yong mga songs na kasama dito very related sa kung anong nangyayari samin, ano’ng relationship namin,” ani Joson.

Tiniyak din ni De Leon na makaka-relate ang fans nila sa album. 

“Saka sa mga McLisse mismo, makaka-relate sila kaya siguradong magugustuhan nila ito,” ayon kay De Leon. 

Kasama sa album ang version nila ng “If We Fall in Love”, “Para Sa Iyo”, at liang minus one songs para sa fans na gustong makisabay sa kantahan. 

Sumuporta rin ang celebrity barkada ng McLisse na sina Marlo Mortel at Kristel Fulgar. 

Hindi naman makapaniwala ang dating “Pinoy Big Brother” housemates sa suportang natatamo ng kanilang love team.

“’Yung thought na gusto nilang makita kami, ‘yung thought na kahit di nila kami Kapamilya, mararamdaman mo sa kanila ‘yung pagmamahal kaya very thankful, very grateful kami na andiyan sila for us,” sabi ni Joson. 

Pagkatapos ng concert at “Ang Probinsyano”, sunod makikita ang McLisse sa big screen sa pelikulang “Ang Panday” na kasali sa Metro Manila Film Festival. 

“Hindi namin masabi ‘yung eksakto pero makikita niyo sa ‘kin ‘yung laking Tondo, pagiging bad boy,” paglalarawan ni De Leon. 

“Different din ‘yung character ko dito, ibang Elisse ‘yun kaya sana abangan nila, maraming bago,” dagdag pa ni Joson.

Magpapasiklaban na ang mga palabas ng Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre.

— Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments