Arci, Daniel, ‘no show’ sa Paris, sinisi ang producer

0
88



Pagkatapos ng palabas nila sa Rome, hindi na sumipot sina Arci Muñoz, Daniel Matsunaga, at Ronnie Liang sa dapat na show nila sa Paris noong Hunyo 24. 

Nagdesisyon ang tatlong celebrity na i-call off ang appearance sa Paris dahil hindi umano sinunod ng producer na si Jeff Parica ang kontrata. 

Humihingi sina Muñoz ng paumanhin sa hindi nila pagsipot sa show dahil hindi umano sila tinrato nang tama at pinagbantaan pang ipapaaresto at ipapa-deport ng concert producer.

Sa mensahe ng handler ni Matsunaga na si Sally Dela Cruz sa Instagram, iginiit nitong hindi binigyan ng accommodation, pagkain, at hindi rin binayaran ang plane tickets ng mga artista. 

Taliwas naman ito sa pahayag ni Parica.

“Sa bawat sinabi nilang di maganda sa akin, against me, maipapakita ko po lahat ng proof. Even sa hotel na sinasabi nilang walang accommodation, there is. And if they check kung anong klaseng hotel ito, they can see that they have breakfast, lunch and dinner.

“Yung pinost nila lalo na sa IG ng road manager ni Daniel, they’re saying there’s no accommodation, there is,” aniya.

Umatras din ang tatlong grupo na co-organizer ng show. 

Nangako ang Sandigan, Paris Glamour at Pinoy, Ikaw ay Pinoy na isosoli ang bayad ng mga hindi na nanood sa show.

Pahayag ni Jimmy Pitargue, presidente ng Sandigan Association, “Nakausap ko si Daniel, si Arci, at Ronnie. Ang sabi nila, sa ‘yo Kuya Jimmy, sa Sandigan, walang problema. Sa producer kami may problema… Pasensiya na kayo dahil ginawa na namin ang lahat para maging successful ang event na ‘to para mabigyan kayo ng kasiyahan. Nagkaroon lang ng konting problema. So I am very sorry po sa lahat.”

‘The show must go on’ naman ang peg ng stand-up comedian na si Pepita Curtis na isa sa mga kasama sa palabas.

“Actually, hindi ko na iaano kasi gusto ko sa kanila na manggaling ‘yun. Basta ang sasabihin ko: mayroon silang di pagkakaintindihan. From there, du’n na nag-start. Kung anuman ang decisions nila ngayon, nirerespeto ko yun. I respect them kasi I know ‘yung decision ko to stay, nire-respect din nila.

“I came here to work, yun ang nasa isip ko. Aside from work of course, pumasyal din. ‘Yun ang naka-set sa mind ko. Para sa akin, I stayed, I will perform as much as I can, I’ll give joy to the people here, sa mga kababayan natin dito sa Europe, ibibigay ko nang todo-todo,” sabi ni Curtis.

Nakansela na rin ang show nina Muñoz sa Florence, Italy dahil hindi rin umano nagparamdam si Parica. 

–Ulat ni Marilyn Rayray, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments