ANSABEEEH???: RODERICK, NAKIKITA ANG SARILI KAY AWRA!

0
58


Ang kapamilya network pa rin ang nakaisip na muling pagsamahin ang 90’s tandem nina Roderick Paulate at Carmi Martin na during the presscon of Wansapanataym: Amazing Ving, nabanggit nila na during one of their conversation, nasabi na rin nilang what if nga, sa pagkahaba-haba man ng prusisyon, sila pala ang ending.

Though of course, pareho rin nilang sinasabi na at this point, kumportable na rin sila sa pagiging single nila.

Sila ang mga magulang ng talentadong baklitang si Awra Briguela na may napakaraming super power. Na kahit si Carmi, nabanggit na nakikita niyang maraming similarities sina Awra at Roderick, lalo na at pareho silang nagsimulang child star.

Sabi naman ng Konsehal ng QC kay Awra, “Magaling, magaling ‘yung bata. Kahit puyat, nakaka-cope up siya. Dapat lang na tangkilikin ang bata.”

Naalala raw niya ang sarili niya noong bata na ngayong nakikita niya si Awra na sobrang busy nito. Pinapayuhan niya rin si Awra?

“Kapag nakikita ko siyang busy, sinasabi ko na pasensiya, blessing ‘yan. Pero sa acting naman, nasa kanya na, eh.”

Hindi man aminin, pero halata naman na pihikan na siya sa pagpili ng project. At nabanggit nga nito na kahit na nagko-comedy o nagpapatawa, gusto pa rin daw kasi niya na ang project, may kapupulutang aral.

At isa raw ‘yun sa nagustuhan niya sa kuwentong ito ng Wansapanataym na mapapanood na ngayong araw na ito ng Linggo.

Home Sweetie Home, consistent top-rater!

Iba’t ibang sitwasyon sa buhay ng isang mag-asawa at bumubuo ng pamilya ang ipinakita sa Home Sweetie Home kagabi. Bukod pa sa mga usual na nangyayari sa barangay at sa opisina.

Love ni Toni Gonzaga ang HSH lalo na nga naman nang magkaroon na siya ng asawa at anak. Parang siya raw mismo kasi bilang Misis at Mommy, natututo sa kada episode ng sitcom nila ni John Lloyd Cruz.

Si John Lloyd naman, kahit na mukhang wala pa ito sa level na magkaroon ng sari­ling pamilya sa totoong buhay, hindi niya rin made-deny na ang dami ng inputs sa kanya ng show nila.

So, how much more pa nga ba sa mga manonood kaya consistent top-rater ang Home Sweetie Home.

Iba naman ang katatawanan sa dalawang comedy shows ng Kapamilya network na Banana Sundae tuwing hapon ng Linggo dahil laugh trip naman talaga ang grupo nina Angelica Panganiban, John Prats, JC de Vera, Pooh, Jason Gainza, at iba pa.

At mas lalong iba naman ang trip sa gags ngayong gabi ng grupo ng mga bulilits sa Goin’ Bulilit ngayon na bibida sa Palengke episode.

Sa mga makaka-miss ng katatawanan, log-in lang sa iwanttv or skyondemand.com.ph para sa mga Sky subscribers.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments