ANSABEEEH???: MARIAN-DINGDONG, GUMAGAWA NA NG BABY BOY!

0
69


Sa trailer pa lang ng bagong fantasy-­action serye ng GMA-7 na Super Ma’am, ang lakas na ng panghatak nito lalo na sa mga batang manonood. 

Balik primetime series na nga si Marian pagka­tapos ng mahigit dalawang taon.

Instead na dayain o mag-double katulad ng fight scene niya ­kasama si Ai Ai delas Alas sa ­bubong ng tren, sila raw talaga ang gumawa nito na sa may Tutuban kinuhanan.

“Kaya nga si Kambal nagagalit sa akin. Sabi niya, ‘Kambal ang tanda ko na pinapaganito mo pa ko?!’ Tapos tumatakbo-takbo kami sa train, puma-fight kami sa train.”

Marami rin daw ipi­nakita sa kanya ang GMA-7 na materyales para sa pagbabalik nga niya sa primetime. Pero, ang Super Ma’am daw talaga ang pinaka-nagustuhan niya sa lahat.

“Ito talaga ang pinaka-napusuan ko. Especially wholesome kasi siya, tapos teacher pa. Pangarap kong maging teacher and at the same time, nandun yung fight scene na hinahanap ko.”

Gusto raw kasi niyang talaga ang mga fight scene. Bukod pa rito, feeling ni Marian, puwedeng maging daan din ang ­Super Ma’am para mas magmulat pa sa ­moral values ng mga kabataan dahil ngayon daw kasi, medyo iba na talaga.

At sa Lunes nga, September 18, magkakaroon ng pagbabago sa programming ng Kapuso network sa primetime dahil sila na, ang Super Ma’am, muna ang mapa­panood at bababa sa ikalawang time-slot ang primetime series naman ng kanyang Mister na si Dingdong Dantes na Alyas Robin Hood. Mas pang early time-slot daw kasi talaga ang ARH.

Hiniritan tuloy si Marian na ang hari at reyna raw pala ng primetime naman ang magka­tapat ngayon dahil katapat niya ang Ang Probinsyano ni Coco Martin.

“Hindi naman, nagkataon lang na kami ang dapat na mauna,” naka­ngiting sabi niya. Naniniwala rin si Marian na lahat naman daw ng trabaho ay may pressure. Pero sa ngayon, hindi na raw yun ang iniisip niya, ang mas priority niya ay ang mag-trabaho.

Very happy rin si Marian dahil sa mga katrabaho niya, ang cast ng Super Ma’am at ang director nila na si L.A. Madridejos.

Masuwerte rin si Kim Domingo dahil si Marian pa ang personal na pumili sa kanya at puring-puri pa ni Marian ang sexy star.

“Si Kim sinabi ko talaga, isa siya sa gusto ko. Pantasya siya at perfect siya sa character tapos, maganda siya, sexy siya. Mabait siya at magaling namang umarte,” sabi ni Marian.
Pinapili rin ba siya kung sino ang gusto niyang maging leading man?

“Leading man? Ah, GMA na ‘yan! Pero si Je (Jerald Napoles) gusto ko! Talagang binoto ko si Je! Ha Ha Ha!”

Bukod kay Jerald, ang baguhang si Matthias Rhoads ang isa pa sa love interest ni Marian bilang si Minerva as Super Ma’am.

***

Pareho silang abala ngayong mag-asawa. Pero mas busy raw si Dingdong sa kanya na halos araw-araw ay may taping at shooting. Siya naman daw, M-W-F lang kaya natutukan pa rin niya ang anak na si Zia.

Kapag may trabaho, tulad noong presscon ng Super Ma’am, iniwan muna ni Marian ang anak sa Mommy ni Dingdong at nagmamadali na ngang umalis dahil susunduin pa raw niya ito at kinabukasan, may TVC shoot naman siya.

At pagkatapos ng Super Ma’am, totoong plano na niyang bigyan ng kapatid ang anak. Naghahanap na raw ito ng kapatid.

“Ang hiling niya baby brother raw! Ha! Ha! Ha!”

Pero nangako raw siya sa GMA na tatapusin niya ang Super Ma’am bago magbuntis.

Amazed na amazed naman si Marian sa nasaksihang kasal nina Hayden Kho at Vicki Belo kung saan, naging flower girl si Zia at naging instant favorite ng mga tao sa kasalan.
Sey ni Marian sa kasal, “Ang ganda!”

“Sabi ko nga, last na siguro yung momentum na sobrang ganda ng lugar, sobrang sarap ng pagkain, pero mapi-feel mo talaga ang love nila sa isa’t isa.

“Sabi ko nga, parang fairytale na ang cute ng love story nilang dalawa. Na-amazed ako kasi nagwo-waltz-waltz sila, ang cute nila, promise!”

Pero para kay Marian, siyempre naman daw, ang dream wedding pa rin niya na nagkaroon ng katuparan ay ang naging kasal nila ni Dingdong noong 2015.

Ang susunod na a-attend-an ni Marian ay ang kasal naman ng kambal niya na si Ai Ai delas Alas. Siya ang sasagot ng wedding gown nito.

“Naku ewan ko sa kanya, ipinagsabi pa niya. Sabi ko sa kanya, i-secret na niya. Kausap ko na ang designer niya. Excited ako para sa kanya.”

Si Ai Ai raw ang namili ng disenyo ng gown nito at nag-suggest-suggest lang daw siya. Isa pa raw sa pinapagawa sa kanya ni Ai Ai ay ang bridal bouquet nito.

“Pini-pressure niya ko na gawin ang bouquet niya. Sabi ko, Kambal!!! Ita-try ko ha. Kasi, hindi pa ko magaling gumawa baka mamaya mapahiya pa ko. Okey na yung gown na lang yung sagot ko sa kanya.”

Masaya raw siyang talaga na isa sa maituturing niyang totoong kaibigan ay ang Comedy Queen.

“Nagpapasalamat ako kasi, dito sa industriyang ito, bibihira ang o makakuha ka ng totoong kaibigan. Si Ai Ai ang makokonsider kong pinakamatalik kong kaibigan in showbiz.”

Kasama rin silang dalawa ni Dingdong sa wedding entourage. Sila raw ang veil sponsors.

“Sabi ko nga, huwag mo nang isama ang anak ko ha. Naka-gown na ko, naka-gown pa ang anak ko. Iintindihin ko pa ang paglalakad. Ako na lang! Ha! Ha! Ha!”



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments