ANSABEEEH???: MAINE-SEF ‘RELASYON’, WALANG MALISYA!

0
80


Binasag na ni Sef Cadayona ang katahimikan niya sa ilang buwang isyu na rin sa kanya. Mula pa sa breakup nila ni Andrea Torres hanggang sa masundan agad ng isyung diumano ay silang dala­wa naman talaga in real-life ng Phenomenal star na si Maine Mendoza.

With Andrea, sinabi ni Sef na naging magulo raw lalo ang isyu ng breakup nila dahil sa biglang pagkaka-link nila ni Maine. Inamin ni Sef na ngayon lang naman daw nangyari sa kanya ang ganito at hindi rin naman daw niya alam kung ano ba talaga ang sasabihin.

After their breakup, nakapag-usap na raw sila ni Andrea at nagkaroon ng closure. Wala rin daw kinalaman ang breakup nilang dalawa kung kaya’t hindi siya napapanood sa Bubble Gang.

Nagkataon daw kasing conflict talaga ang taping sa primetime series niyang Meant To Be, pero ngayong malapit na itong magwakas this June, sigurado raw na balik BG siyang muli at walang problema na magkasama silang muli ni Andrea rito.

With Maine, itinanggi ni Sef ang isyung may relasyon sila. Magkaibigan lang daw sila ni Maine at sila-sila nina Juancho Trivino at Sheena Halili ang grupo. Ipinagtataka lang nila na bakit parang bawal itong makipagkaibigan dahil naba-bash nga katulad niya.

Itinanggi rin ni Sef na may mga sightings sa kanilang dalawa ni Maine. Never pa raw silang lumabas na silang dalawa lang at sabi nga niya, “Wala talaga. Magkaibigan lang kami. Walang malisya.”

Nababasa ni Sef ang lahat ng pangba-bash sa kanya ng mga fans sa social media. At katulad ng payo ng mga magulang niya, hindi na lang daw niya ito binibigyan ng anumang atensyon dahil ‘yun ang gustong makuha sa kanya ng mga bashers.

Anyway, sa kabila ng pananahimik at mga pangba-bash sa kanya, masaya naman daw si Sef dahil sa naging tagumpay ng Meant to Be at kunsaan, ramdam na ramdam niya ang naging pagtanggap ng mga manonood maging sa karakter niya bilang si Kuya Bats na kapatid ni Barbie Forteza.

Bukod kay Barbie, kasama rin siya at buong pamilya nila sa MTB at ang four boys na magte-taping sa Singapore next week.

REGINE, COOL STEP-MOM!

Sa programang Pinaka noong nakaraang Mother’s Day, ang Asia’s Songbird ang nag-top among the Pinaka sa mga Celebrity Step Mom. Ibig sabihin, nakikita at nararamdaman talaga ng mga tao ang pagiging sincere niya as Step mother to Ogie Alcasid’s two daughters. Considering din kung paano talaga sila parang isang pamilya lang.

Ramdam mo na love talaga ni Regine ang mga anak ni Ogie na parang tunay niyang anak. Bukod pa sa para siyang friends lang ng mga ito dahil sa pagiging cool lang naman niyang talaga.

Ang hindi cool si Regine ay sa telefantasya niyang Mulawin vs. Ravena dahil seryoso siyang talaga ngayon bilang si Sandawa. At isa sa aabangan ay kung ano nga kaya ang mangyayari na gagamitin na talaga ni Roi Vinzon bilang si Daragit ang propesiya ni Sandawa.  Simula na nga ba ito ng laban ng mga Mulawin vs. Ravena?

Happy nga pala ang cast at staff dahil magkasunod na rin na mataas at panalo sa rating ang MvsR.

EJAY, WALANG PLANONG LAYASAN ANG DOS!

Opisyal na ngang co-manage ng Star Magic at ni Perry Lansigan ng PPL Entertainment, Inc. si Ejay Falcon. Si Perry ang napili ni Ejay na mag-co-manage sa kanya dahil kahit dati pa raw ay nakakatrabaho na niya ito.

Isa sa binanggit ni Ejay ay madalas daw siyang kinukuha noon sa mga campaign sortie ni PNoy na ang PPL ang may hawak. Under Star Magic pa rin siya at gusto lang daw talaga niya na may nag-aasikaso pa rin sa kanya outside Star Magic. ‘Yung makakuha rin siya ng work outside.

Wala raw sa isip niya o sa plano niya ang lumipat ng network lalo pa at may existing contract pa siya sa ABS-CBN. Bukod dito, mapapanood na rin si Ejay sa Ang Probinsyano at isa sa siya sa mga SAF kasama si Coco Martin.

Hindi na kami nagtaka na excited si Ejay sa Ang Probinsyano dahil nang tanungin namin ito kung ano ang gustong gawin talaga, mabilis na, “action talaga ang gusto ko” na sagot niya.

Bukod sa Ang Probinsyano, hinihintay pa rin niya na mai-ere na ang serye nilang The Promise of Forever na ngayon ay naka-canned dahil tapos na raw nilang -taped.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments