ANSABEEEH???: KRIS B. HINDI PUMATOL SA REGALO NI RENZ!

0
64


Mahigit isang taon din na walang ginawang teleserye si Renz Fernandez. Ang huli niya ay ang Little Nanay pa.

During the time na wala siyang serye, sinubukan daw niyang magmahal. Kaso, hindi raw nauwi sa relasyon dahil one-sided lang.

Siya lang daw ang in-love sa babae at ang huli ay hindi pa raw nakaka-move-on sa ex nito.

Mukhang all-out si Renz kapag nagmahal. Aminado rin ito na halos ilagay raw niya sa pedestal si Kris Bernal noong nililigawan. Araw-araw raw ay may regalo siya rito tulad ng chocolates at flowers.

Kaso raw, hindi raw siya type ni Kris at napansin niya raw ito sa body language ng huli.

Sa ngayon, wala pa rin daw siyang girlfriend. Ang last official girlfriend pa raw niya ay si Maxene Magalona na engaged na.

“Okey lang ‘yun na single. Hindi naman ‘yun ang reason para maging masaya. Kung magkakaroon, eh, bonus na lang talaga,” sabi ni Renz.

Bukas na ang pagsisimula ng My Love from the Star. Isa si Renz sa cast ng movie. Siya ang lawyer na interesado at makakaalam ng pagkamatay ni Rhian Ramos. Kaya saglit lang talaga ang character ni Rhian sa Pinoy adaptation na ito na koreanovela.

Sinadya raw ni Renz na hindi panoorin ang original dahil ayaw raw niyang ma-impluwensiyahan ang pag-arte niya. Bukod sa gusto raw niyang lumabas ang Pinoy acting kaya hindi dapat magaya ang Korean style.

TULOY ANG FIESTA!

Ramdam na ramdam ang init sa mga comedy shows ng Kapamilya network. Ang sitcom na Home Sweetie Home tuwing Sabado ng gabi kunsaan, dahil sa sobrang da­ming iniisip ni Julie (Toni Gonzaga) akala nito ay naiwan niya ang anak sa room at nai-lock. Nag-panic tuloy ang lahat.

At dahil summer pa rin naman, nakaragdag sa init ng panahon sa init ng ulo ng mga tao. Ipinakitang lahat ito sa HSH kagabi.

Samantalang ngayong araw na ito, tuloy ang mga piyesta segment sa buwan ng Mayo sa Goin’ Bulilit sa gabi. Pero bago ‘yan, tutok muna sa sa ilang taon nang nagbibigay-saya na Banana Sundae.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments