ANSABEEEH???: KDRAMA ADDICTS, NAGBUNYI SA SONG JOONG KI AT SONG HYE KYO KASALAN!

0
94


Kilalang-kilala sa Pilipinas, lalo na ng mga KDrama addicts ang Song-Song couple.

Ang mga bida ng nagpabalik ng interest at hilig sa mga Koreans at iba pang bansa sa Korean dramas na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo ng Descendants of the Sun.

Naglabas ang Koreaboo ng balitang ikakasal na ang Song-Song couple sa October 31. Ito ay sa kabila ng ilang beses nilang pagde-deny na may relasyon sila.

Itinanggi rin nila ang sighting na pagbabakasyon nila ng magkasama sa Bali, Indonesia.

Maging ang magkaiba nilang management na Blossom Entertainment at UAA ay nag-issue ng statement at itinanggi ito.

Ngayon, humihingi sila ng pang-unawa na hindi nila ito mailabas dati lalo pa at personal na bagay na ito ng dalawa at involved din ang kanilang pa­milya. Nakikiusap ang mga ito na ibigay ang blessing sa two of the most beautiful Korean stars.

Ang naturang news ang bumulaga sa timeline namin kaya kahit Pinoy ay masayang-masaya sa ba­litang ito. 

Maraming naging tagahanga ang Song-Song couple, isa na rito ang beteranang manunulat at talent manager na si Lolit Solis.

Hindi kami magtataka kung a-attend (a-attend talaga?! Haha!) o mag-gatecrash kaya si Nay Lolit sa wedding nina Jong Ki at Hye Kyo lalo na at sa October ito, kasabay pa sa plano niyang mag-attend ng Busan International Film Festival.

Masaya talaga ang mga KDrama addicts sa balitang ito. Ilan lang naman ang mga perfect on-screen partners na nagkakatuluyan at umaabot sa kasalan.

Anyway, magiging napaka-momentous ng hu­ling linggo ng October para sa entertainment news ng Korea. 

Bukod sa wedding ng dalawa, ganitong date din ang paglabas sa military camp ng isa sa Superstar ng Korea na si Lee Seung Gi.

At base sa survey, ang naturang singer/host/actor ang nangunguna sa survey na pinakahihintay ng tao ang paglabas from military camp this year.

Both are good news.

ANGELU AT BOBBY, KILIG-KILIGAN KINA BIANCA AT MIGUEL!

Sina Angelu de Leon at Bobby Andrews ang isa sa mga pinakatinangkilik at kinabaliwang love teams noong 90’s kaya alam na alam nila ang pakiramdam na laging may sumusubaybay sa bawat galaw nilang dalawa.

Dahil din sa kanilang love team, na hanggang ngayon ay nakakakilig pa rin. In fairness to them, hindi man sila naging for real, nauwi naman sila sa pagiging good partner sa mga shows nila.

Nang tanungin sila sa mga opinyon nila sa mga millennial love teams, umangat ang pangalan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Sina Bianca at Miguel daw ang pinaka-nakikita nilang katulad nila noon. Kinikilig daw si Angelu sa dalawang bagets!

“Naaliw ako kasi para silang katulad namin. They are friends more than a love team, which is happy.

Natutuwa ako kasi they respect each other’s privacy. They respect each other personally,” sabi pa ni Angelu.

Magkakasama silang lahat sa GMA telefantasya na Mulawin vs. Ra­vena.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments