ANSABEEEH???: James-Nadine harutan, inalmahan ng netizens!

0
66


Naka-off ang comment section ng Instagram ­account ni Nadine Lustre kaya walang mababasang com­ments ang mga IG followers niya sa pinu-post niyang pictures.

 Kamakailan lang din ay nag-deactivate naman siya ng Twitter account.

Usually, kapag ang post ni Nadine ay ka-sweetan sa pagitan nila ng boyfriend na si James Reid, mababasa ang mga sobrang kinikilig na mga JaDine fans.

Although, may magagalit na mangba-bash, pero majority pa rin ay mga kinikilig tulad nga sa isa sa mga recent postings niya na mga kamay lang nila na magkahawak at nakapatong sa tiyan ni Nadine ­habang nakahiga ito.

Putol ang picture dahil hindi makikita ang ulo ni Nadine at si James. Pero puwedeng isipin na naka­higa si Nadine sa lap ni James at may caption ito na, “I like me better when I’m with you.”

Sa isang online site, du’n naman nag-post ng ang mga fans at the same time, bashers. Mukhang marami pa rin ang hindi nakaka-move-on sa ‘live-in’ issue at isa sa comment, “Pakasal na muna teh.”

‘Yung iba naman, nandiyan kesyo hindi raw good example. Pero sa kabila ng mga hate at negative , napakarami pa rin talagang following ng JaDine na kinikilig talaga sa dalawa.

JENNYLYN-DENNIS, INIISIP NA ANG KASAL!

Maraming natutuwa tuwing nakikita ang mga posting nina Dennis Trillo at lalo na ni ­Jennylyn Mercado na magkasama sila at kasama rin ang pamilya nila, ‘yung isang beses nga, magkakasama sila at ang pamilya naman ni Patrick Garcia na siyang tatay ng anak ni Jennylyn sa isang picture.

Sabi nga namin kay Dennis nang makausap namin ito sa taping ng Mulawin vs. Ravena na parang sobrang seryoso na talaga ang relasyon nila ni Jen.

“Ganu’n talaga kapag masaya,” sabi naman ni Dennis na makikita mo naman talaga na in-love ngayon. Pero ayaw raw niyang gamitin ang terminong sobrang seryoso.

Aniya, “Mas gusto ko ang term na masaya. Iba kasi ‘yun sa sobrang seryoso. Dahil masaya, ganu’n ang nangyayari.”

Kumpara dati na tuwing tinatanong namin si Dennis tungkol sa kasal, tila mas open na ito ngayon sa posibilidad na mangyari nga ito sa pagitan nila ni Jennylyn.

“Hindi naman imposible sa ganda ng mga nangyayari ngayon. Siyempre, ‘yun naman ang iisipin mo kapag ­masaya kayo, ‘di ba?”

Although, nilinaw naman ni Dennis na wala pa naman daw plano, pero masaya raw sila at marami silang ginagawa na magkakasama na kasama rin ang pamilya nila.

Sa MvR naman, sinabi namin kay Dennis na sobrang laki ng tingin sa kanya ng mga kasamahan niyang young ­ctors sa serye. Isa na rito sina Derrick Monasterio at Miguel Tanfelix na ang dami raw natutunan sa kanya.

“Siyempre natutuwa na masabihan ka lang ng ganu’n. Pero siyempre, bawat project, kahit na gaano ka na kasanay, meron pa rin ‘yan learning process kung paano mo pagagandahin.  Masasabi ko rin sa kanila na hindi rin ako nahirapan katrabaho sila. Prepared rin silang lahat, equipped din sila.”

Masaya raw si Dennis sa Mulawin vs Ravena na nalalapit na nga ang pagtatapos. Sabi nga niya, umpisa pa lang daw na inilatag sa kanya na gagawin niya ang MvR at ang dati ­niyang karakter bilang si Gabriel, sobrang na-meet na raw ang expectations niya.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments