ANSABEEEH???: GIL, MAHILIG SA MGA BABAENG MAY SABIT!

0
97


Nakakatuwa itong si Gil Cuerva. Kitang-kita namin kung paanong like siya ng mga tao.

Sa ginanap pa lang na YES! Most Beautiful kunsaan, si Gil ay nakahanay sa kategoryang “Strong Starters” aba e, talagang pasok na pasok nga siya sa kategoryang ito.

Kahit si Gil, tila hindi makapaniwala na 6 months pa lang siya sa showbiz industry, pero ang ganda nang nangyayari sa kanya at pagtanggap sa kanya ng tao.

Wala ring kaalam-alam si Gil na isa siya sa mga nominated sa Eduk Circle sa pagka-Best Actor for My Love from the Star.

Siguradong maraming mag-a-agree, lalo na sa present sa YES! Most Beautiful sa Luxent Hotel kung paano, si Gil na yata ang isa sa “Most Selfified” na artista nu’ng gabing yun.

Hindi nga kami sure kung nakuha bang mag-dinner ni Gil dahil pagdating pa lang nito, ang dami na ngang nagpa-picture at press na nag-interview.

Magiliw ang press kay Gil dahil nararamdaman nila ang pagiging maayos nito. Masarap kausap dahil magaling sumagot.

Hindi siya maraming kaek-ekan at straight forward ang mga sagot but at the same time, hindi presko.

Malapit ng matapos ang MLFTS dahil hindi naman nila ito puwedeng i-extend since adaptation ito ng Korean drama. 

Very grateful si Gil kay Jennylyn Mercado at sa lahat ng veteran stars daw na nakasama niya dahil na­ging generous sa katulad niyang baguhan.

“Secret,” ang naka­ngi­ting sagot ni Gil sa amin nang tanungin namin siya kung ipapagupit ba niya ang tila trademark hair niya after MLFTS. 

Hindi pa raw niya alam ang susunod niyang gagawin, pero kung siya ang masusunod, gusto niyang mag-workshop nang mag-workshop dahil ayaw raw niyang masabihang hindi siya marunong umarte.

Gusto rin ni Gil na makagawa ng mga movies, even indie films, game siya.

Nang sabihin namin na game din ba siyang magpakita pa lalo ng katawan at magpaka-daring, nakakaaliw ang sagot niyang, “okey lang naman.

Pero siguro dapat magpaganda pa ko ng katawan. Kailangan kong magpa-borta para mas eye candy.”

At dahil nakatrabaho na nga ni Gil si Jennylyn sa una niyang serye, kung mabibigyan ng opportunity, gusto rin na maka-trabaho ni Gil ang iba pang Kapuso actress tulad nina Heart Evangelista, Marian Rivera at Solenn Heussaff.

Pansin lang namin, may common sa tatlong wish niyang makasamang aktres, lahat sila, mga Misis na. Mahilig kaya si Gil sa mga babaeng may asawa na?



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments